Sa balitang Dingdong Dantes-Angel Locsin movie Marian Rivera, takot magkomento?!

NAG-IINGAT NA siguro si Marian Rivera kaya ayaw nitong mag-comment sa balitang magkakasama sina Dingdong Dantes at Angel Locsin sa isang movie.

Parang very un-Marian ang kanyang stance na ganito. Parang rehearsed at hindi totoo.

But whatever it is, siguro ay nasabihan si Marian na ‘wag na lang mag-comment para wala na ring intriga.

Naalala kasi namin last year, Marian went ballistic when she learned from Heart Evangelista na magi-ging leading man nito si Dingdong.

Nag-iingat na siguro si Marian dahil sunud-sunod ang negative write-ups sa kanya lately. She must have learned her lessons from her recent away with Katrina Halili.

Anyway, maganda na rin naman ang ganoon para good vibes siya sa kanyang bagong sitcom, ang Tweets For My Sweet.

IN DIRE need siguro itong si Julio Diaz ng work. Masidhi kasi ang pagnanais nitong magkaroon ng project uli.

Sa isang text message sa isa niyang kaibigang coordinator ay ito ang sinabi ng aktor:

Ngayon, 4 na buwan na akong walang guesting, marami na akong naikuwento sa lahat sa inyo. Andyan inutangan ako ng lahat ng kinakapos kong kaibigan, napaaway ako sa away ng kaibigan ko, ninakawan pa sa loob ng hauz ko ng kaibigan ko pa. sinabi ko sa manager ko na magpapaopera ako ng mata ko. Di man ako na-share ng blessings pero sana ‘wag n’yo kalimutan para magka-taping. Sana naman maintindihan ako ng showbiz na kailangan ko sila, kailangan ko mabuhay para umarte bilang profession ko simula nang naging JULIO DIAZ ako.

Magaling namang aktor si Julio, kaya we’re pretty sure na mabibigyan ‘yan ng assignment ng ilang networks.

BLIND ITEM: Bitter-bitter-an pa rin ba ang fadir ng isang aktres sa dating nakarelasyon ng kanyang dyunakis?

May nakabasa kasi ng mga tweets ng father dear at tinanong ang ex-boyfriend nito kung bakit until now ay hindi pa rin daw ito maka-move on sa issue sa kanila.

Sumagot naman ang  controversial personality at sinabing takot ang fadir sa kanya.

He is scared. They have no denial for it. Cuz they cant. So many files, so many doctors. They thought they destroyed it all,” tweet ng personality.

Da who ang involved dito? Naku, ‘wag na kasi wala na naman siya sa bansa, ‘no!
Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

Previous articleCristine Reyes, Makikipagbati na Kay Ara Mina?!
Next articleBinati ang kanyang ‘love’ sa kaarawan nito Pauleen Luna, Inamin na si Vic Sotto!

No posts to display