Binati ang kanyang ‘love’ sa kaarawan nito Pauleen Luna, Inamin na si Vic Sotto!

NASA MACAU pa yata hanggang ngayon ang Dabarkads ng Eat Bulaga, at kasama roon siyempre ang alaga kong si Pauleen Luna.

Inabangan nga ng crew ng Startalk nang umalis sila nu’ng Linggo pero hindi naman sila sabay-sabay na dumating.

Nauna sina Pauleen kasama sina Ruby Rodriguez at Julia Clarete. Huli na dumating sina Vic Sotto kasama sina Sen. Tito Sotto at si Malou Choa-Fagar.

Pero nasa Macau pa sila, naintriga pa rin si Pauleen dahil nag-post daw ang young actress sa kanyang Twitter account ng “Happy Birthday my Love” nu’ng April 28.

Iyon ang kaarawan ni Bossing Vic, kaya nabigyan ng malisya ‘yung tweet na ‘yun.

Kaya kinontak ng Startalk crew namin si Pauleen para klaruhin ‘yun. Kaagad namang nag-text si Pauleen na wala na raw siyang Twitter account.

Lumabas kasi ‘yun sa PEP Alert, na kinorek din bandang huli na hindi pala ‘yun sa Twitter account niya kundi sa Facebook nito.

Hindi na sinagot ito ni Pauleen. Eh, kung sakaling binati niya ang love niya nu’ng birthday ni Bossing Vic, eh ano naman ngayon? Hayaan na natin sila. Kung ayaw na nilang magsalita tungkol diyan, hayaan na natin sila.

Pabalik na yata sila galing Macau, kaya makikitsismis na lang tayo kung ano ang mga naganap du’n!

PINAG-UUSAPAN PA rin ng mga kabadingan ang pag-iyak ni Daniel Matsunaga sa Showbiz Central  nu’ng nakaraang Linggo.

Parang gusto raw nilang sabunutan si Heart Evangelista na iniiyakan ng pagkaguwapu-guwapong lalaki.

Malay natin, ‘di ba? Baka iniyakan din ‘yan nina Jericho Rosales at ibang non-showbiz boyfriend niya, kasi ang ganda-ganda nga niya, ‘di ba?

Hindi naman kinlaro ni Daniel kung ano talaga ang dahilan ng hiwalayan, pero may naririnig kaming malaking bagay ‘yung ‘di pagkagusto raw ng magulang ni Heart kay Daniel.

Noon pa man ay nakikita na sa Mommy ni Heart na parang di niya type si Daniel, pero mabait naman kasi si Daniel kaya wala kang naririnig mula sa kanya.

Ang sabi lang ng Brapanese model/actor, mabait naman daw sa kanya ang buong pamilya ni Heart lalo na ang Daddy nito.

Naniniwala siyang walang problema, at baka ang komunikasyon lang ang kanilang problema dahil isang buwan siya sa Brazil na hirap silang magkaroon ng komunikasyon.

Pero feeling ko meron pang ibang dahilan talaga na ayaw lang nilang sabihin kung ano ‘yun.

Medyo irita na nga si Heart na lagi siyang sinusundan at kinukulit na magbigay ng pahayag.

Nu’ng nakaraang Linggo nga raw sa Party Pilipinas ay nagkita sila ni Daniel at nagbeso naman sila. Pero nairita na si Heart dahil la-ging sinusundan ito ng kamera kaya napatili itong huwag na raw siyang kunan.

Mukhang ayaw nang magsalita ni Heart tungkol sa break-up nila ni Daniel. Gusto na lang daw niyang mag-move on at harapin ang bagong buhay niya na isa na siyang single.

MEDYO PAHINGA muna ngayon ang alaga kong si Jolo Revilla dahil naka-concentrate ngayon sa political career niya.

May guesting lang siya sa Little Champ ng ABS-CBN 2 pero mahaba-haba rin ‘yun. Pero so far, wala pa siyang drama series na kasunod dahil abala naman siya sa mga projects niya sa Cavite.

Tatakbo pala siyang Vice Governor ng Cavite at suportado naman ito ng mga bigating pulitiko roon at siyempre ang mga magulang at buong pamilya.

Nakikita naman daw nila kay Jolo  na pursigido itong maging public servant kaya sinusuportahan nila ito.

Proud na proud nga si Bong sa kanyang anak, dahil mas bata pa raw itong na-expose sa public service kaya tingin niya mas malayo pa ang mararating nito kesa sa kanya.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

Previous articleSa balitang Dingdong Dantes-Angel Locsin movie Marian Rivera, takot magkomento?!
Next articleBiyaya sa National Press Club Members

No posts to display