Rosanna Roces makes mainstream comeback with Pasang Krus

Showbiz Ambus
by Ambet Nabus

GRABE ANG PAPURI ni Rosanna Roces sa pelikulang Pasang Krus.

“Ibang klase. Parang nanumbalik sa akin ‘yung mga old movies na pinagbidahan noon ni Lolita Rodriguez,” kuwento ni Osang.

Inilarawan pa nitong napapanahon ang mga kalbaryo niya rito bilang isang nagdurusang ina. Ayon pa sa aktres noong ginagawa niya ang pelikula, pakiramdam niya raw, katrabaho niya ang mga henyong sina Lino Brocka at Ishmael Bernal (parehong National Artists for Film).

Sobrang honored naman ang direktor ng pelikula na si Neal Buboy Tan dahil sa magagandang papuring ‘yun ni Osang. “I could simply thank her and the rest of the cast for making the film extra special. Talagang proud na proud din ako sa movie na ito,” paliwanag ni Direk Neal Tan.

Ipinagkapupuri ni Osang ang pelikula bilang isa sa mga ‘roles’ na kaya niyang pangatawanan habang-buhay as ‘among her best so far.’ “Kumpleto na ang pagka-aktres ko,” hirit nito.

Ang Pasang Krus ang unang handog ng JPE Inc. (Japan-Philippines Entertainment Inc.), na pinamamahalaan ng producer nitong si Maricar Santos, na may mahalagang papel din sa pelikula bilang best friend ni Herminia.

Tampok din dito sina Joross Gamboa, Empress Schuck, Ketchup Eusebio, PJ Morales, Christian Burke, Tita Swarding at Jao Mapa.

May special celebrity screening ang Pasang Krus ngayong darating na Marso 30, sa SM Megamall Cinema 10 at ipalalabas ito simula Abril 1 sa lahat ng SM Cinemas sa buong bansa.


SPEAKING OF EMPRESS Schuck
, sinabi nitong masarap na katrabaho si Osang.

Isa siya sa mga ‘pasang krus’ ni Osang dito na matindi rin ang pinagdaanan sa buhay at sa mga eksena nga niya with the ‘best actress,’ “nakakahiya pong magkamali. Very supportive po siya at tinuturuan ako ng mga techniques sa pag-arte,” paliwanag ng batang aktres.

Tuwang-tuwa ang batang aktres sa mga pangyayari ngayon sa showbiz career niya. At this early nga raw, mapalad na siyang matatawag dahil nakatrabaho na niya ang ilan sa mga paborito at iginagalang niyang best actresses gaya nina Dawn Zulueta, Lorna Tolentino at si Rosanna Roces nga.

“Inspirasyon ko rin po sila at pangarap ko ring maabot man lang kahit kalahati ng naabot nila,” dagdag pa ng magandang dalagita na ngayon ay isa na sa mga bida sa seryeng Your Song Presents: Underage sa ABS-CBN. Ang dating role ni Snooky Serna ang nire-reprise ni Empress at ito na matatawag niyang biggest break sa TV, “lalo ko pong pinagbubutihan ang aking ginagawa.”

KUNG PAGIGING MAHUSAY sa mga gawain ang pag-uusapan, hats off kami sa matagal na naming kaibigang si Jason Abalos. Since mag-umpisa ang young actor na ito sa showbiz, never itong nagbago kahit kailanman sa amin. Kaya naman mahal na mahal namin si Jason at laging sinusuportahan.

Kamakailan nga, pormal na nitong binuksan ang kanyang negosyo sa advertising at design services. Tinawag niya itong 1st AD Venue, kung saan siya rin ang tumatayong presidente nito.

Mga serbisyo sa fabrication gaya ng panaflex signage, acrylic plastic at mga brass-stainless-aluminum-GI-neon-led signs, billboard structures, canopy, event set-up-backdrop, stage designs, at mga photographic-digital printing, offset printing at ultimo ang paggawa ng mga buntings, nameplates, pins at t-shirt printing, ginagawa nila.

Matatagpuan ang opisina nito sa 75 2nd St., cor. Del Mundo St., 1st Ave., Caloocan City at hands-on si Jason sa operasyon along with his cousins at iba pang relatives.

“Mabuti na ang may ganito, Kuya Ambet. Hindi naman lagi tayong may project sa showbiz,” ang paliwanag ni Jason sa amin.

Although isa nga si Jason sa mga best actors natin sa henerasyong ito, nakalulungkot lang isipin na mangilan-ngilan lang ang mga ginagawa niyang proyekto. Sa ngayon, napapanood pa siya sa Pieta, matapos nga ang napakahusay niyang pagganap sa Eva Fonda.

“Hindi naman po ako naiinip o nagrereklamo na wala akong ibang ginagawa, pero ganu’n talaga ang buhay. Kung wala kang ginagawa sa showbiz eh, ‘di maghanap-buhay gaya nito. Mahirap na ang sitwasyon ngayon at nararamdaman ko na rin naman ang mga problema sa gastusin. Mabuti na ‘yung laging handa at nararanasan nating magpapawis nang tama,” hirit pa ng kaibigan naming talaga namang wini-wish naming maging successful sa pinasok niyang negosyo.

Kaya hala, kung nais ninyong ma-try ang mga serbisyong sinasabi namin, try n’yong dalawin o kontakin sa munti niyang opisina sa 1st Ad Venue si Jason, sa tel # 703.6452/ 365.8844. ‘Yun na!!!

Previous articleAngelica Panganiban, lead for new teleserye ‘Bandida’
Next articleClaudine ups MBP ratings, still teleserye queen

No posts to display