Rhian Ramos at Dingdong Dantes, tangkilikin kaya sa Stairway to Heaven?

PUSPUSAN NA ANG taping ng Stairway to Heaven nina Dingdong Dantes at Rhian Ramos dahil malapit na itong magsimula sa Primetime telebabad ng GMA-7.

Unti-unting nabi-blend na ang bagong tandem na ito ng GMA- 7 kaya inaasahang tatangkilikin ito ng mga fans.

Sana nga manatiling supportive si Marian Rivera kay Dingdong kahit iba na ang ka-loveteam nito lalo na’t kung mapapanood nito na ang init ng mga eksena nina Rhian at Dingdong bilang Jodi at Cholo dito sa Stairway to Heaven. Ilang beses naman nilang sinasabi na naintindihan nila ang trabaho nila kaya hiwalay ito sa personal na nararamdaman nila sa isa’t-isa.

Ilang beses pa ring tinatanong si Dingdong kung posibleng magkagusto rin ba siya kay Rhian lalo na’t kung madadala sila sa mga ekseang gagawin nila sa Stairway?

“Klaro naman, siyempre, bilang respeto sa kanya bilang artista at respeto sa kung ano mang nagaganap sa amin pareho. Dapat ipairal ang professionalism sa lahat ng bagay.

Previous articleProvincial shows ng Wowowee, dinudumog pa rin
Next articleIndependencia, makikilahok sa New York Film Fest

No posts to display