Mariel Rodriguez, kumportable agad sa sa show ni Willie Revillame!

VERY WARM ANG ginawang pag-welcome kay Mariel Rodriguez bilang karag-dagang co-host ni Willie Revillame sa Wil Time Bigtime last Saturday. Naging surprise call in pa si Robin Padilla na hindi inaasahan ni Mariel na pupunta roon para sa kanya.

It’s been several weeks na talagang nahirapan daw si Mariel before coming up with her final decision na lumipat sa TV5.  Maraming nangyaring pag-uusap daw sa pagitan ng actress-TV host at ng mga executives ng ABS-CBN.

May desisyon nang aalis, tapos mapipigilan. Magdi-decide ulit na aalis pero magbabago na naman ang isip kapag nakausap na ng mga big boss ng Kapamilya Network.

Ito raw nga umano ang dahilan kung bakit sa panahong napapabalitang nagbabalak na siyang lumipat o lilipat na, hindi naringgan ng kumpirmasyon o kahit anumang pahayag hinggil dito si Mariel.

Kasi nga, everday ay nagpapabagu-bago pa at hindi pa firm sa kanyang desisyon. Hanggang finally, nabuo na nga ang kanyang pasya na iwan ang Happy Yipee Yehey! at maging isa sa co hosts ng Wil Time Bigtime.

Paglilinaw naman ni Willie, hindi nila kinumbinsi si Mariel na lumipat. Hinayaan umano nila ang actress-TV host na pakinggan kung ano ang idinidikta ng puso at isipan niya at kung saan siya magiging masaya.

At kita naman kay Mariel na happy nga siya sa kanyang pagpasok sa Wil Time Bigtime. Kaagad-agad, kumportable kaagad sa tabi nina Shalani Soledad at iba pang co-hosts ng show.

With Willie, given nang at ease na siya dahil sa tagal na rin ng kanilang pinagsamahan. Parang Kuya na nga ang turing niya rito.

And with that, naniniwala ka-ming Mariel just did the right decision, kung saan magiging masaya siya at hindi niya pagsisisihan.

Naman!

SPEAKING OF WIL Time Bigtime, dalawang araw kaming nadadaan sa may Amoranto Stadium sa Roces Avenue, Quezon City. At kita namin kung paanong tila laging may rally sa dami ng taong pumipila at nagbabakasakaling makakuha ng ticket para sa first anniversary ng programa na gaganapin sa Smart Araneta Coliseum on October 22.

Kahit nga sa harap ng TV5 compound sa Novaliches, dagsa rin ang mga taong nakaabang para sa tsansang mabigyan din ng ticket. Sa tantiya nga namin, maliit ang Araneta Coliseum kung talagang iu-open sa lahat ng gustong manood at makisaya sa unang anibesaryo ng programa.

Sobrang excited naman daw si Willie sa malaking selebrasyong magaganap. Ngayon pa nga lang daw, pinaghahandaan na nila ito nang husto.

Higit na malalaki pang papremyo umano ang kanilang ipamimi-gay hindi lang sa mga contestants kundi mga home viewers. Wala rin umanong talo ang mga live audience. Bawat isa umano, pagpasok pa lang sa Araneta Coliseum ay may tig-lilimang kilong bigas na raw at mga de lata courtesy ng kanilang mga sponsors, at kung anu-ano pang produkto.

“Ibinabalik lang namin sa sambayanang Pilipino ‘yong walang sawa nilang pagsuporta sa show. At kapag tinatangkilik nila ang mga produkto ng amings sponsors. Mas marami kaming papremyong maipamimigay para sa kanila. Dahil ang mga tagatangkilik ng show ang bida rito.

“We have 5 million cash na ipa-mimigay po. 2.5 million ang ipara-raffle sa loob ng Araneta, at 2.5 naman para sa home viewers.

“Magra-raffle po kami sa loob ng Araneta ng tigpi-50 thousand, tigwa-100 thousand, 500 thousand at 1 million cash.

“Sa mga home viewers naman na gustong sumali at manalo, i-text lang nila ang WIL (space) at mensahe ng pagbati sa anniversary ng show at ipadala lamang sa 2346. Bukas po ito sa lahat po ng networks, Globe, Smart, at Suncellular. So lahat ay kasali rito.

“Hindi lamang ‘yan, meron ding limang Foton van. At meron ding limang brand new na kotse bigay po ni Mr. MVP (Manny V. Pangilinan) ‘yon. Meron ding tatlong house and lot na bigay naman ni Senator Manny Villar na ira-raffle din.”

Record holder talaga ang Wil Time Big Time bilang nangungunang game show sa Philippine TV na may pinakamalalaking papremyong naipamimigay.

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan

Previous articleDating Teenstar, May Malubhang Sakit!
Next articleSa pagmumura kay Daiana Menezes sa set Shalala, dalawang araw lang sinuspinde sa Juicy

No posts to display