Marian Rivera, tinapak-tapakan pa si Katrina Halili!

DINALAW NAMAN NAMIN ang mga stars ng top-rating primetime teleserye ng ABS-CBN na Only You sa bandang Roces Avenue last Monday. Pangalawa sila sa may pinakamataas na rating next to May Bukas Pa. It’s so kilig to see na magkatabi ang Primetime Teleserye Queen na si Angel Locsin at Sam Milby sa harap namin. In fairness, bagay talaga sila kaya naman may kilig factor talaga sila.

“Masaya kami, eh. Hindi namin akalain na magugustuhan kami ng televiewers. Nakatataba ng puso kapag naa-appreciate ng mga tao ang ginagawa namin. Na ‘yun naman ang dream namin, mapasaya ang mga tao. Thank you, thank you sa mga support. Mas pasasayahain pa po namin ang gabi ninyo at marami pa kaming nilulutong rekado,” natutuwang sabi ni Angel.

Siyempre hindi nakaligtas si Angel na kunan ng pahayag sa eskandalong kinasasadlakan ngayon ng dati niyang kasamahan sa GMA 7 na si Katrina Halili.

“Naku, ipaglalaban ko si  Kat, sobra. Kahit hindi ako kasali sa isyu na ‘yon, pero bilang babae, obligasyon ko na tulungan ang kapwa ko babae. Katrabaho ko pa ‘yung tao. Parang ayoko’ng makita ‘yung ganu’ng tao na may mabuting puso na inaapak-apakan. So, sana huwag masyadong apakan, apihin. Huwag nang baligtarin. Huwag nang iba-ibahin ang isyu,” diin ni Angel.

Sey tuloy ng isang Kapuso staff na nakausap namin, mabuti pa raw si Angel may puso para kay Katrina. Unlike si Marian Rivera na down na nga raw si Katrina, lalo pa’ng tinatapakan. According to a source, nag-dialogue daw si Marian nu’ng malaman niya na kinukuha bilang Valentina si Katrina para sa gagawin niyang bagong version ng Darna nang ganito, ‘Kontrabida pa nga lang, eh, hindi na niya kaya nangangarap pa siyang magbida? She will never make it lalo na may isyu sa kanya ngayon.’

Nakarating daw kay Katrina ang mga sinabi ni Marian kaya nag-desisyon si Katrina na huwag na lang tanggapin ang offer ng Siyete na gumanap siya bilang si Valentina. May experience na rin daw kasi si Katrina kay Marian sa eksena nila sa isang teleserye kung saan sinaktan siya ng nobya ni Dingdong Dantes kahit hindi naman kailangan sa eksena.

NAWINDANG ANG MGA respetadong manunulat na kausap ni Ruffa Gutierrez na sumaksi sa event ng organisyasong  SPEAK OUT (Against Domestic Violence) last Saturday nu’ng mag-deny siya na lumayas o pinalayas na siya ng Mommy Anabelle Rama niya sa bahay nila sa Dasmariñas Village.

Sabado pa lang daw ng umaga, pinaalis na si Ruffa ng Mommy niya sa bahay nila at lumipat siya sa condo niya sa Annapolis, Greenhills. That answers our question kung bakit hindi ang white Hi-Ace Toyota Van ang gamit ni Ruffa that day sa East Avenue Medical Center kundi ang silver na Ford Explorer na van.

Anyway, life still has to go on for Ruffa sa kabila ng mga pinagdadaanan niya. Marami namang friends ni Ruffa ang nagbigay ng suporat sa kanya gaya ng co-host niya sa morning show na si Ai-Ai delas Alas. Dalawang umagang magkasunod na live ang episode ng Ruffa and Ai at nand’yan lagi si Ai-Ai na tsumitsika for her friend na si Ruffa. On Wednesday si John Prats ang guest juror para sa Star Circle Quest Kiddie Search sa Ruffa and Ai, kaya huwag imi-miss ang episode tomorrow.

Julie Ka!
by Julie Bonifacio

Previous articleRuffa, na-BUZZ-isi!
Next articleKris Aquino, may tampo pa kay Korina Sanchez

No posts to display