Marian Rivera, napikon kay Cristy Fermin?!

OLA CHIKKA! ISANG parazzi girl ang nag-send sa aking e-mail ng reaction umano nitong si Marian Rivera laban sa paninira sa kanya ng reyna ng nega na si Cristy Fermin. Para sa kapakanan ng ating mga kaparazzi na walang internet connection, narito ang pahayag ni Marian sa kanyang Facebook fanpage:

“sa mga fans ko malalaos na pala ako ngayong 2011! According to the very credible, napakatotoo, walang kinikilingan and not to mention hindi nababayarang  tv host/columnist??? na si cristy fermin! LOL

“daig pa ni cristy fermin ang Diyos alam na niya ang takbo at ang magiging future ng career ko.. manghuhula pala siya.. pang ikatlong taon na niyang hula yan every january simula ng bagong taon na malalaos ako.. ano sa tingin niyo magkatotoo na kaya ngayong year na to? meganon? hehehe

“i was advised by my manager na manahimik about the issue pero ang iba ginawan pa ako ng kwento dedma lang daw ako at sabay taas ng kilay sa mga reporters daw na nagtatanong sa akin regarding the issue, hindi naman totoo.. kaya di ko matiis heto magcocomment na talaga ako tao lang din naman ako.. kahit artista may feelings din nasasaktan di kami robot..

“kung ako magiging laos sa taong ito mula kay cristy fermin dun sa tv show niyang  juicy sa tv5.. paano na lang kaya siya? at ano tawag sa mga artista sa channel nila? sabi nga ni tito alfie lorenzo ang tv5 ang channel na tapunan ng mga artistang laos.. PERO I have nothing against tv 5 at sa mga artista doon dahil kaibigan ko ang ibang artista doon na bago lumipat ay galing sa gma 7… especially kay shalala na very witty at hamak na may kredibilidad kesa kay cristy fermin pinagtatanggol niya talaga ang mga artistang ayaw o kaaway ni cristy fermin na ginagawan niya ng kwentong walang katotohanan.. at sa akin pinagtatanggol niya ako para ngang galit si cristy fermin sa kanya everytime pinagtatanggol niya ako sinasapawan niya si shalala para di na makapagsalita siya ang maldita.. napakabossy niya sa show nila gusto niya anong sasabihin niya yun lang ang paniwalaan..

“sa tv 5 wala akong sama ng loob sa kanila.. nagkataon lang na nandun nagtratrabaho si cristy fermin as host after niyang mawala as host sa tv for 3 years after niyang matanggal sa the buzz ng abs cbn dahil sa gawa-gawa niyang kwento na nakakasira ng pamilya tungkol kay ate nadia montenegro na nakaaway niya at dahil dun natanggal siya dahil wala namang katotohanan pinagtsitsismis niya sa tv na maraming nakapanood sa kasinungalingan niyang kwento, yun as punishment sa kanya ng network niya before tinanggal siya..

“wala talagang kredibilidad si cristy fermin noh sabi niya di siya naniniwala na ang artista nalalaos ba’t sa mga artistang galit siya o di siya naabutan ng pera sinisiraan niya at sinasabihan niyang laocean deep (term na inimbento nila para itawag sa mga laos daw na artista o hindi na sikat) like janelle jamer sinabihan niyang laocean deep nung thursday jan. 13, 2011 episode ng juicy.. sinungaling talaga ang babaeng yan at walang kredibilidad pero sa mga taong binibigyan siya ng pera o mamahaling bagay panay puri niya or if may bad issue about them dedma lang siya wala siyang comment.. good luck sa kanila sana igrant ni lord wish nila sa mga gustong lumaos ako.. taon2 naman talaga ang hulang yan.. i wish them luck! :D

at di ba sabi niya ayaw niya sa akin dahil maldita ako, bakit kay tita annabelle rama panay good comments niya pati sa mga anak nito kahit bad issue just like recently about heart and raymond sabi niya natural lang daw ang ginawa ni raymond na si heart naman itong pinagtutulungan nila. but yung nagtagpo kami sa bambi fuentes salon.. ikinuwento niya pa sa juicy na suplada at maldita daw ako hindi ko raw siya pinansin big deal na sa kanya di naman kami friends noh at ayaw ko namang magpaka plastik.. papansinin niyo ba ang tao na hindi niyo pa naman kilala sa personal at sinisiraan na kayo? bat itong pag iisnab ni raymond kay heart, si heart pa ang pinapalabas niyang masama.. takot ba siya kay tita annabelle? ay bakit ko pa tinatanong.. obvious naman pala.. takot siya sa mga taong di rin natatakot sa kanya o mas maldita pa sa kanya…  at kay ate kris aquino na kapatid ng ating mahal na presidente na kaaway rin niya di niya kayang sabihan ng masama sa tv o dyaryo.. di niya masabi ang pangalan dinadaan niya lang sa blind items galit at inggit niya takot lang niya kay kris, napakaduwag! wahahahaha at kay kuya willie gustong gusto niya dahil binigyan siya ng Starex na isang mamahaling sasakyan.. sorry na lang sa kanya di talaga ako nambabayad ng tao para sabihan o isulat ako ng magaganda.. sa Wish Ko Lang siya magpadala ng hinaing niya baka magrant gusto niya pera, car o ano pa.. hehehehe basta ako nagpapakatotoo lang ako. masama ba maging totoo sa sarili at sa kapwa tao ko?”

Sa tingin n’yo mga kaparazzi, kay Marian nga ba talaga nanggaling iyang mga pahayag na iyan? Hmmm… siya man o hindi, ang tanging alam ko lamang ay totoo ang mga binanggit niya tungkol sa reyna ng mga nega. Ha-ha-ha! Kayo na lamang ang humusga. Pak!

Ooola Chika
E-mail: [email protected]
by Tita Swarding

Previous articleWilling Willie, inirereklamo na ng mga motorista!
Next articlePagkatapos ng ‘pagwawala’ Ellen Adarna, nakulong?!

No posts to display