Male acoustic singer, lasing lang daw kaya nakipaghalikan sa kapwa lalaki sa backstage!

SIPAT: TSUGI si HEART EVANGELISTA sa BAGONG TELESERYE ni DINGDONG DANTES!

EKLAT: IKAW na ang maging MARIAN RIVERA!

SIPAT: Sa AWAY ng DALAWA, KUMAMPI ang KAPUSO kay DARNA?!

EKLAT: IKAW na TALAGA, MARIAN RIVERA!

SIPAT: Si RHIAN RAMOS na raw ang LEADING LADY ni DINGDONG.

EKLAT: IKAW na ang MAGKAROON ng EXECUTIVE na TITA!

SIPAT: In fairness, BAGAY naman sina DINGDONG at RHIAN, ‘di ba?

EKLAT: ON-SCREEN lang ha? At BAKA may UMALMA at MAGMALDITA!

SIPAT: ANO naman kung SECOND CHOICE si NORA AUNOR sa isang PELIKULA?

EKLAT: At least, may TRABAHO siya!

SIPAT: ANO naman kung SECOND CHOICE at HINDI pa LEAD ROLE ang SUPERSTAR?

EKLAT: Ah… KAYA pala TINANGGIHAN ni ATE VILMA!

SIPAT: PINAGMUMURA ni CANDY PANGILINAN si IC MENDOZA?!

EKLAT: Mas OKAY na ‘yan kesa naman PLASTIKIN at PURIHIN niya!

SIPAT: E, ‘WRONG TARGET’ pala si IC ng GALIT ni CANDY.

EKLAT: Ay, ang TANGA naman pala!

SIPAT: HAPPY raw si RAYVER CRUZ at TANGGAP na raw ng PUBLIKO ang RELASYON nila ni CRISTINE REYES.

EKLAT: May CHOICE ba naman sila?

SIPAT: In fairness, SMOOTH SAILING ang LOVELIFE ng DALAWA, huh!

EKLAT: WALA kasing PAKIALAMERONG PARENTS si CRISTINE!

SIPAT: HINDI naman daw NAGAMIT ng KAPUSO si ATE GUY sa PROMO ng ISA nilang PELIKULA.

EKLAT: Sige na nga… PHOTOSHOPPED ang PICTURE ng SUPERSTAR!

SIPAT: WALA naman sigurong MASAMANG INTENSYON ang KAPUSO sa INSIDENTENG iyon.

EKLAT: Sige na nga… HINDI na PANGGUGULANG sa KAPATID ‘yon!

SIPAT: ‘LASING lang SIGURO si [NAME ng MALE ACOUSTIC SINGER] kaya niya NAGAWA iyon,’ tsika ng ating MAHADERA. Saka MEDYO MADILIM sa BACKSTAGE, e.’

EKLAT: ‘Kaya AKALA niya HINDI LALAKE at BEBOT ang KAHALIKAN niya!’ ang ending ng ating Mahadera.

Sipat Eklat
by Papa Azzi
Pinoy Parazzi News Service

Previous articleGuess who does the ‘Mini Mouse’?!
Next articleRyan Agoncillo, karangalan at sakripisyo ang pagkakasama sa serye ni Ate Guy

No posts to display