Magaling na actor-tv host, plantsado na ang pag-oober da bakod!

KINSA SIYA? NAKAKUWENTUHAN namin ang isang reliable source at kinumpirma niyang nakapirma na nga sa istasyon ang isang magaling na actor-TV host sa TV5. Plantsado na diumano ang mga detalye at ilang tulog at gising na lang ay muli na siyang mapapanood sa telebisyon.

“Inaayos na lang ang kanyang show, may mga pinaplantsa lang na detalye sa kabuuan ng kanyang programang pangungunahan at aalagwa na rin siya,” paunang kuwento pa nang aming source.

Dagdag pa niya, “Hindi kasi puwedeng hilaw ang ihahain natin dahil alam mo namang ilang taon din niyang pinaghaharian ang noontime sa isang malaking istasyon. Basta super bongga at super big sa mga papremyo ang kanyang show.”

Pahabol pang kuwento ng aming source, “Game ka na ba sa galing niya at sa sayang hatid niya? Well malapit na malapit na!”

(By Arniel Serato)

Previous articlePinoy Parazzi Vol 4 Issue 134 October 26 – 27, 2011 Out Now!
Next articleNang magpainom si Direk

No posts to display