Madaling-araw na, nasa kalye pa: Angel Locsin, nag-taxi pauwi!?

HINDI RAW TOTOONG si Robin Padilla ang cause ng hiwalayan nina Mariel Rodriguez at Zanjoe Marudo.

Ang nakarating sa amin, ang manager daw ni Zanjoe na si Keren Pascual ang totoong dahilan daw kaya naghiwalay ang dalawa. Noon pa man daw ay hindi na type ni Keren si Mariel para sa kanyang alaga. Ewan kung ano ang inaayawan ng manager kay Mariel.

Ang irony nito, si Keren pa ang nagdala kina Zanjoe at Mariel kasama ang iba pang Star Magic talents sa Asian Cruise noong Holy Week. At sinabi naman mismo ni Mariel na last Holy Week pa ay may gusot na sa pagitan nila ni Zanjoe.

Ang pamilya ang sinasabing dahilan ng pakikipaghiwalay ni Zanjoe kay Mariel. Breadwinner kasi siya ng kanyang family at kailangan niyang tulungan ang mga ito.

Hello!!!! Established na naman si Zanjoe. May bahay na siya sa Valle Verde at may luxury car na siya. Ano pa ba ang mahihiling niya?

Parang hindi pa maka-move on itong si Mariel sa nangyari sa kanila ni Zanjoe. Last Saturday lang ay ibinuking daw ni Pokwang sa Wowowee na panay ang iyak ni Mariel lately.

Inamin ni Mariel na si Zanjoe ang nakipag-break sa kanya, bagay na hindi raw nagustuhan ng mga taga-Star Magic.

NAKAKATUWA ITONG SI Angel Locsin.

Kasi ba naman, nasiraan ang kanyang van noong first day of shoot niya ng movie niya with Aga Muhlach. Alam n’yo ba ang ginawa ng aktres? Hayun, pumunta sa Marcos Highway para pumara ng taxi. Atat na kasing makauwi si Angel mula sa shooting.

Imagine, past 5 A.M. nasa highway si Angel at pumapara ng taxi? Nakakaloka, ‘di ba?

Bongga si Angel dahil take one lang ang inabot ng kanyang pole dancing sa shooting niya. Hanggang-hanga ang kanyang direktor niya dahil ang galing niya sa pole dancing. Actually, ilang linggo ring nag-aral ng nasabing sayaw ang dalaga at nagasgas nga ang balat niya pero wala siyang keber.

At ang daming extra sa movie ang nababaitan kay Angel. Hindi raw kasi ito suplada at pinagbigyan ang hiling nilang mag-pose kasama ang aktres. Talagang napaka-down-to-earth daw ni Angel at marunong makisama.

NAG-MIGRATE NA PALA sa US si Sheryn Regis.

Ang singer na si Jed Madela ang sumagot sa matagal na naming katanungan kung nasaan na si Sheryn.

Sa kanyang latest tweet ay sinabi ni Jed sa isang nagtatanong na fan ni Sheryn na nag-migrate na nga sa US si Sheryn kasama ang kanyang dyowa at anak.

Actually, matagal na naming napapansin na wala na si Sheryn. Hindi naman namin alam kung sino ang aming mapagtatanungan. Napapansin kasi namin na ang tagal na niyang wala sa ASAP XV.

Nagagalingan kami kay Sheryn as a singer. Sayang at walang nangyari sa career niya rito, kaya naman siguro naghanap siya ng suwerte sa ibang bansa. Hindi rin naman siya na-build up nang husto ng Dos gayong talented naman siya. Napabayaan talaga siya ng network.

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

Previous articleWillie Revillame, paasa sa mga Japayuki?!
Next articlePauleen Luna, palaban sa pagmamamaldita ni Cristine Reyes!

No posts to display