Luis Manzano doesn’t feel to give up Angel Locsin?

SABLAY NA NAMAN si Luis Manzano sa kanyang paghirit na makipag-communicate kay Angel Locsin. Walang kadala-dala ang magaling na TV host kahit na magmukha siyang kawawa na dinededma ng kanyang ex-girlfriend. Nitong huli, sa kanyang pangungulit sa alaga ni Manay Ethel Ramos, kakaiba na ang dating ng paghingi ng respeto ng mabait na aktres, para siya ay tigilan na ng kanyang ex-boyfriend sa kung anu-anong pag-eksena at tsika nito sa pamamagitan ng text.

Mabait din talaga si Angel, dahil kahit anong pangu-ngulit sa kanya ng press na magsalita tungkol sa gusto niyang ipakahulugan ng sinasabi niyang pinoprotektahan niya si Luis, pero ‘pag ‘di tumigil ang anak ni Edu Manzano ay magsasalita na siya tungkol sa pinaggagagawa ng kanyang ex-boyfriend, walang anumang sinabi ang aktres. Ganu’n talaga siya kawalang panahon na pag-usapan si Luis magmula nang mag-break sila.

Pagkatapos mag-sorry ni Luis kay Angel sa pamamagitan ng kanyang Twitter account, parang asong nabahag na ang kanyang buntot. Hindi na siya nagsalita tungkol sa isyu. Sobrang busy si Luis sa kanyang career, dahil halos wala na siyang pahinga. Pero ayaw niyang magpahinga na magpapansin kay Angel. Hayan tuloy, marami ang nag-iisip  kung ano ang pupuwedeng ibuwelta sa kanya ni Angel kapag hindi pa siya tumigil ng kakulitan. Hindi na lang kasi mag-concentrate kay Jennylyn Mercado, samantalang ang press release nila ay happy naman sila sa kanilang pagkikilala ngayon.

 

HALATANG-HALATA NAMAN SA mga kilos at pananalita ni Dra. Vicki Belo na talagang si Hayden Kho ang kahulugan ng kanyang kaligayahan sa ngayon. In fairness sa kanya, kahit nagkakaedad na siya, mararamdaman mo sa pagdadala niya ng kanyang personality ‘yung kilig, na kahit ano pa ang mga intrigang pinagdaanan ng kanilang relasyon, wala talagang kaparis para sa kanya ang saya, na lagi niyang katabi ang matangkad na karelasyon.

Nanggagaling na rin sa mga bibig nina Dra. Vicki at Hayden ang tungkol sa plano nilang pagpapaka-sal. Mamatay man sa inis at inggit ang ibang taong hindi natutuwa sa kanilang pagmamahalan, iyon na nga ang direksiyon na kanilang pupuntahan. Halata ang mga anak ng sikat na doktora sa kanilang mga kilos at pananalita, na hindi sila masaya na si Hayden ang bagong mapapangasawa ng kanilang mommy. Pero tanggap nilang wala silang magagawa, dahil kaligayahan iyon ng mahal nilang ina.

Nakakabilib din si Dra. Vicki dahil sa kanyang pakikipaglaban tungkol sa relasyon nila ni Hayden. Huwag nang banggitin ang eskandalong kinasangkutan ng binata na kahulugan ng pagtataksil niya kay Belo. Pero napatawad pa rin siya. Higit sa lahat, si Vicki ang masasabing nagpasikat kay Hayden. Hindi siya kilala sa simula ng kanilang relasyon. Pero ginamit ni doktora ang kanyang koneksiyon para makilala sa showbiz ang lalaking mahal niya. Alam iyan ni Manay Lolit Solis, dahil lagi siyang look na lang sa sky kapag puro si Hayden ang bukambibig ni doktora.

 

PERSONAL: HAPPY BIRTHDAY kay Ciara Sotto. Hindi ako ganu’n ka-close sa kanya, pero sa ilang pagkakataon na nalalapitan ko siya para i-ambush interview ay laging isang masayang karanasan na makatsikahan siya. Simple at may sincerity siyang kausap. Hindi kasi siya maarte, at hindi rin siya mayabang kahit sikat ang kanyang mga magulang na sina Helen Gamboa at Senator Tito Sotto.

 

ChorBA!
by Melchor Bautista

Previous articleSexy starlet, feeling superstar sa isang event!
Next articleSPORTS BIZZ: Simon Atkins denies courting Kim Chiu!