Liza Soberano, suportado ni Enrique Gil sakaling mapili sa “Darna”; pero ang fans, umaalma

 alt=

SUPORTADO ni Enrique Gil ang ka-love team na si Liza Soberano sakaling mapili ng Star Cinema na gumanap sa role ng iconic Pinay super heroine na si Darna.

Enrique Gil & Liza Soberano (courtesy of Instagram: @pushalerts)

Sa video interview sa LizQuen love team bago umalis patungong US para sa Star Magic 25th Anniversary US tour na naka-post sa Instagram account na @pushalerts, unang nahingan ng reaksiyon si Liza hinggil sa kagustuhan umano ng fans na gumanap siya bilang Darna. Ito ay matapos ngang kumpirmahin ni Angel Locsin at ng Star Cinema na hindi na gagawin ni Angel ang role na nagpasikat sa kanya noon dahil sa kanyang health condition.

Ipinahayag naman ni Liza ang kagustuhan niyang gampanan ang nasabing role. Aniya, “Ahmmm… hindi ko po alam. Wala pa naman po talagang official statement or anything saying that I am going to play the iconic role. Pero if ever, I would love to do it.”

Nang banggitin din kay Liza na sinabi ng kanyang manager na si Ogie Diaz na isa siya sa kino-consider na mag-Darna, hopeful din si Liza sa pagsasabing, “Sana po.”

Suportado rin naman ni Enrique ang ka-love team kung mangyari nga ito.

“Siyempre, I’m gonna support her naman… or what. So, ah… kung siya talaga, siya talaga!” Ani Enrique nang hingin ang kanyang reaksiyon.

Una nang kinumpirma ni Ogie na kasama nga si Liza sa mga pinagpipiliang “lumunok ng bato”.

“Isa siya sa mga choices,” ayon sa manager nang ma-interview ng press.

Tatanggapin nga raw nila ni Liza, kung sakali mang i-offer sa kanila ang role.

Ani Ogie, “Itong Darna, super hero, maraming may gusto na gumanap pa ring Darna. Imagine-in mo ‘yung history ng mga gumanap na Darna, like si Ate Vi (Vilma Santos). So, kung si Liza ang mapipili for the role, siyempre tatangapin namin ‘yun.”

Pero sa mga reaksiyon at komento ng fans ni Liza sa naturang video post, bagama’t may fans ang batang aktres na gusto siyang makitang lumilipad at nakikipaglaban sa mga masasamang loob, tila mas marami naman ang ayaw na makita siyang nakasuot ng costume ni Darna.

Sabi ni @lynangon, “Yup @pushalerts kung sakali man na c @lizasoberano ang susunod na darna support lng kami ,hindi na namin pinupush.”

Ganito rin halos ang sentimyento ni @cristine2413, “Hindi po fans ni liza ang nagpupush marami rin sa amin na hindi ready pero if ever ibigay ng management quenito and all fans are here to support our bebe hopie.”

Katuwiran naman ni @fanstar_love, “As a fan we have different opinion! And i will consider as one of those LizQuen fan who is not favor for her to play Darna @lizasoberano Y? Because she’s already a Star and famous! She already prove her self that she’s one of the best actress of her generation. She dont need to expose her body to the public just to prove something! Darna is only a hype, after that what’s next? Maybe that’s also the reason why the majority of LizQuen fan are not favor to do it @enriquegil17 @pushalerts@starmagicphils @starcreativestv.”

Para naman kay @lovebbgue, “Pls Liza, think a hundred times before accepting the role. It will change your image and as a fan, I personally think you don’t need that role. Mas gusto namin ang Liza ngayon, yung image mo.”

Isa sa ikinatatakot ng fans ni Liza ay ang ma-expose at pagnasaan ng mga mahihilig ang young actress dahil sa pagpapakita nito ng skin, at mawala ang wholesome image nito.

Ayon kay @rgeorgeenarI, “(A)lso don’t want Liza to be the next Darna. She’s going to be exposed to perverts. As is, marami na nga ang nababaliw sa kanya, then she wears that skimpy costume? Kawawa ang bata to be exposed to mature male market. Let’s be real, Darna is not a role na maalala ka coz of your acting ability but rather how you wore the costume. Sayang ang good, wholesome image nya na every one in the family loves-from senior citizens to kids na idol sya. Bihira ang ganon. Look at her endorsements- from candies to diamonds. Then she wears that skimpy costume- immediately iba na market nya. Liza can be an icon by herself. Hindi nya kelangan ang “iconic role” para sumikat. She’s in a very good place now. Ibigay yang Darna sa iba yan na kelangan ng break.

Previous articleBlind Item: Not so young actor, nakabuntis ng non-showbiz girl kaya hiniwalayan ng nobyang not so young actress?
Next articleElaine Crisostomo, kinontra ang ilang pahayag ng Viva sa alingasngas sa concert ng JaDine sa San Francisco

No posts to display