Kris Aquino, binabalikan ang pagiging taklesa!

EWAN LANG, HUH! Bakit nga ba laging si Kris Aquino ang napagbabalingan ng negatibong pinagmumulan ng mga chika na humahatak paibaba diumano sa kanyang kapatid na presidential candidate? Gaya sa suspetsa namin sa umpisa pa lang, may mga actuations at nasasabi itong si Kris na ang negatibong latay ay sa kapatid humahagupit.

Ito na nga siguro ang panahon na dapat nang manahimik ni Kris at matutong ipreno ang kanyang kataklesahan. Ngayon niya nararamdaman na mas grabe ang pagbu-boomerang nito sa kanya.

Napaiyak na lang si Kris sa The Buzz at gusto na nga raw mag-quit. Eh, ‘di mag-quit siya! Pero, feeling namin, panandalian lang ‘yan at gusto lang talaga niyang mamahinga, upon realizing na ang presence niya, sa halip na makatulong sa kapatid, ay lalo lang nagpapahamak dito.

Napilitan din siyang mag-sorry sa isyu nila ni Ruffa Gutierrez dahil kahit saang anggulo tingnan, negatibo kay Kris ‘yun, at dinamay pa pati ang kapatid niya. Pero, sana, kung magsasabi ng quit, talagang quit na at wala nang balikan, which we doubt na basta na lang magagawa ni Kris.

Kung  ‘yan naman ang drama ni Kris ngayon, i-enjoy na lang niya, as she joins the other echuseras in showbiz na nagsalita rin once na magku-quit na sa showbiz, pero hanggang ngayon, nagsusumiksik pa rin sa lugar na ito, na ayon sa kanila, nagpapagulo sa buhay nila. Hmp! Tumigil nga sila!

NAGULAT NAMAN KAMI sa drama ngayon ni Cita Astals na pagala-gala na lang daw sa Sta. Ana at Malate sa disoras ng gabi, hanggang abutin na ng almusal. Hindi kaya nagdodroga si Cita? Marami ang nagsasabing kakaiba na nga raw ang ikinikilos nito at sinasabi.

‘Yung expose ng Showbiz Central sa kanya ay naghantad naman sa kanya sa ilan diumanong personal problems na may kinalaman sa land-grabbing. Matagal na raw problema ito na idinudulog na niya sa korte.

Medyo complicated nga ang situwasyon ni Cita, pero ayon sa pulisya, hindi kasi ganoon kadaling sabihin na basta na lang na-ransack ng kung sino ang bahay niya gaya sa inireklamo niya noon, dahil hindi nga raw siya pinatatahimik hangga’t hindi niya nilalayasan ang kanyang tinitirahan. Kasi nga raw, kulang sa ebidensiya ang reklamo, at mukhang marami raw inconsistencies sa mga kuwento ni Cita. Kaya may mga nagko-conclude na naaaning-aning na rin siya.

Palagay ng mga nakakikilala kay Cita, nagsimulang magbago ang mundo ng actress-politician nang ma-lost ito sa nakaraang eleksiyon. Kumandidato ito noon bilang Vice-Mayor ng Maynila, pero napakalakas ni Isko Moreno para matibag nang ganoon. Inaalok naman siya ni Vice-Mayor Isko na magbalik sa munisipyo at tiyak na may trabahong naghihintay rito para kay Cita, pero nagpapairal pa raw ng pride ang actress-politician, o sadyang tinakasan na ng bait?

Huwag naman sana. We find Cita pa naman sensible and fun to be with, pero sa mga nababalitaan namin sa kanya, at sa interview ng Showbiz Central sa kanya, parang complete opposite na ang projection niya.

Calm Ever
Archie de Calma

Previous articleManny Pacquiao, wala nang dapat pang patunayan!
Next articleAngel Locsin, sa ibang tao pa nalaman ang pagkakatsugi!

No posts to display