Kimerald, excited mag-Bora

Exciting talaga ang weekend para sa magka-loveteam na si Gerald Anderson at Kim Chiu dahil lumipad ang dalawa sa Boracay para kunan ang kanilang honeymoon scene. Grabe, kahit medyo bumabagyo si Labuyo, e, go pa rin ang staff ng Tayong Dalawa kasama sina Gerald at Kim para kunan ang napaka-exciting na eksenang ito.

Ayon sa isa sa mga staff ng show, dahil sa tindi daw ng bagyo at medyo malakas daw ang ulan sa Boracay, nahirapan silang kunan ang ilang exterior scenes. Dapat pala ay may mga jetski scenes silang kukunan pero dahil sa tindi ng panahon, e, kinailangan pa nilang i-postpone ang pagkuha ng mga eksena. Na-stranded pa nga daw ang staff and crew sa gitna ng dagat. Imbes na isang araw lang daw ang shoot, e, naging two days pa raw ito. Marami pa raw silang kukunang eksena.

Medyo milestone itong maituturing sa karera ng dalawa dahil ito ang unang honeymoon scene nila on-screen. Pa-wholesome pa kasi ang image nila pero dahil sa Tayong Dalawa, unti-unti nang nagma-mature ang kanilang role na ginagampanan. Pati ang mga Kimeralds at iba pang followers ng teleserye ay excited nang makita ang naging honeymoon nila. Ang balitang nakarating sa amin, e, medyo kinabahan pa daw ang dalawa sa eksenang kanilang kukunan pero maingat naman silang ginabayan ng kanilang direktor na si Direk Ruel Bayani kaya naitawid nila ang kanilang honeymoon scene! Naku ha, bed scene ito kaya hindi dapat palampasin!

Sa pinakamahal na suite room pa daw ng Discovery Shores kinunan ang kanilang honeymoon scene. Para medyo ma-feel daw ng dalawa ang eksena, nilagyan pa daw nila ng music habang kinukunan ito. Bongga, ha! Aalamin pa natin ang mga detalye lalo na kung anong music ang ginamit nila!

Previous articleGuesswhodoes: Geneva Cruz does the “Sporty Mom” look
Next articleSitti, conservative ang upbringing – Boy Abunda

No posts to display