Katrina Halili, babalik sa condo ni Hayden Kho!

NALOKA NAMAN AKO sa kuwento sa akin ng mga taga-Startalk pagkatapos nilang kinober ang hearing nina Katrina Halili at Hayden Kho nu’ng Lunes ng umaga sa Pasig-RTC.

Baka raw ipapa-subpoena ako bilang isa sa mga witness ng kampo ni Hayden dahil gusto lang daw nilang patunayan na ako raw ang nagsulsol o nagsabi kay Katrina na dapat kasuhan si Hayden.

DIYOS KO! Guguluhin na naman nila ang buhay ko pati na rin ang hearing nila? Hay naku! Ano naman ang kinalaman ko diyan?

Maaaring nasabi ko siguro sa ilang interviews na dapat kasuhan ni Katrina si Hayden, pero hindi ko naman puwedeng turuan ‘yun kung ano ang gagawin, dahil nandiyan ang abogado niyang si Atty. Raymund Palad, pati ang manager niyang si Rommel Gacho.

Nu’n pa man very vocal naman ako sa pagsabi na dapat pagbayaran ito ni Hayden dahil hindi naman mabuti ‘yung pag-video niya sa mga babaeng nakatsugihan niya.

Ang gusto ko lang naman nu’n matanggalan ng lisensya si Hayden bilang doktor dahil pagkakatiwalaan mo pa ba ang ganu’ng doktor na baka nagpapa-check up ka, nabi-video ka na pala? Hindi ko naman talaga ninais na makulong siya, pero siyempre bahala na ang husgado diyan.

Naloka naman ako nang magtawagan sa akin ang ibang reporters na baka ipapa-subpoena daw ako at uupo sa susunod na hearing. Tinanong naman ng reporter namin sa Startalk ang abogado ni Hayden na si Atty. Lorna Kapunan, sinabi naman nitong hindi na dahil hindi na raw kailangan.

Ang focus lang naman nila rito siyempre ang sex video, kaya roon sila nakatutok. Kaya ang susunod daw na gagawin ay ipapa-ocular daw nila ang kuwartong pinangyarihan ng sexual affair nina Hayden at Katrina. Kasi hindi na gaanong matandaan ni Katrina ang hitsura ng kuwarto pati ang mga gamit sa loob nito at kung saang kuwarto sila nagkatsugihan.

Kasi naman hindi lang pala minsan nangyari ‘yun kundi ilang beses kaya hindi masabi ni Katrina kung alin du’n sa mga sexual affair nila nag-video si Hayden.

Every week yata ay may hearing dahil gusto na ng judge na matapos na ito agad kaya linggu-linggo ring nagkikita sina Hayden at Katrina.

ANG SABI PA sa akin ng ibang reporters na nag-cover ng hearing na ‘yun, lalong gumuwapo raw si Hayden.

Siyempre nakapagbakasyon ito at parang hindi na nila itinatago ang relasyon nila ni Dra. Vicki Belo.

Hindi niya sinabi sa Startalk kung ano ang tunay nilang relasyon pero sinabi nitong si Vicki raw ang pinakamahalagang babae sa buhay niya. Siyempre, bonggang bakasyon at nakaka-touch nga naman ang surprise birthday party na inihanda nito para kay Hayden.

Hindi na raw niya sasabihin kung nasa anong level na ang relasyon nila pero masaya raw sila at nagpapasalamat daw siya na nandiyan pa rin si Vicki sa buhay niya.

Wala na raw siyang dini-date na ibang babae kundi si Vicki lang. Bongga, ‘di ba?

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

Previous articleRuffa Gutierrez, ‘di gustong magkaroon ng kahati!
Next articleArrest warrant kay Baron Geisler, isinampa na!

No posts to display