Karylle, curious makita ang frontal nudity ni Coco Martin by Archie de Calma

NATSITSISMIS NGA SI Karylle kay Coco Martin ngayon, pero nilinaw niya sa product launching kahapon ng Pink Water Body Spray sa Max’s Fried Chicken sa Sct. Tuason, Quezon City,  na nagsimula lang ‘yun sa picture-taking na naganap pagkatapos ng premiere noon ng Kinatay.

Naimbitahan si K para manood nito at nagkataong nasa cast ng pelikula si Coco. May production staff ng pelikulang ito na assistant director naman nila sa Dahil May Isang Ikaw, ang bagong teleserye ng Dos kung saan nasa cast si K, kaya naengganyo ang young actress na manood ng premiere nito.

Mula sa simpleng pictue-taking na ‘yun, naging tampulan na ng tuksuhan sina Coco at Karylle. In fact, ang mga kasama ni Coco sa Tayong Dalawa ang naging pasimuno nito nang magtagpo sila kamakailan sa ASAP ‘09. “Ewan. Baka may nasabi si Coco sa kanila,” natatawa na lang si Karylle.

Nag-umpisa ang awareness ni K kay Coco nang mapanood niya ang Jay. Masyado raw natural kung umarte ito, at nagkataon lang na pinanood din niya ang Kinatay. Hindi pa niya napapanood ‘yung Serbis.

“’Yun ba ‘yung may frontal nudity siya?” naitanong ng aktres habang natatawa “Huwag na lang. Basta, ayoko lang makita.”

PARANG NAGULAT PA si Candy Pangilinan nang usisain namin sa phone interview namin sa kanya ‘yung kumakalat na chikang numero unong babaero raw ang rumored boyfriend niyang isang filmmaker, si GB Sampedro (na nagwagi sa Cinemalaya for Best Director para sa pelikulang Astig).

“Ngayon ko lang narinig ‘yan,” nasabi ni Candy. “Pero, mas okey na siguro ‘yun, kaysa matsismis siyang lalakero!”

Sinabi ni Candy na hanggang ngayon naman ay hindi niya alam talaga ang situwasyon nila ni GB, kung sila nga ay mag-boyfriend na, o hindi pa.

“Basta, we just enjoy each other’s company. Kinikilala muna namin ang isa’t isa. At saka tungkol sa mga intrigang ‘yan, nanggaling na kasi ako sa isang relasyon na hindi maganda ang kinahantungan kaya, I should know better,” aniya pa, na parang pagbibigay ng assurance na hindi siya basta nagpapadala sa boladas ng lalaki.

Anyway, nakatutok pa rin naman si Candy sa kanyang career, lalo na ngayong niraratsada ang tapings ng Only You sa TV, at mayroon din siyang nakatutuwang supporting role sa And I Love You So, bilang best friend ni Bea Alonzo,sa nabanggit na Star Cinema movie.

Calm Ever
Archie de Calma

Previous articleGerald Anderson, walang binatbat kay Jake Cuenca by Eddie Littlefield
Next articleAngel Locsin, etsa-puwera sa Darna primer by Gorgy’s Park

No posts to display