James Yap, walang ibinibigay na financial support kay Baby James!

BILANG INA, UNDERSTANDABLE kung maglabas ng kanyang saloobin si Liezl Secangco kapag ang napag-uusapan na ay ang mga anak niya sa dating asawang si Robin Padilla. Kahit naman siguro sinong nanay, sensitibo talaga pagdating sa kapakanan at pangangalaga sa kanyang anak.

Kamakailan, kinuwestiyon ni Liezl ang naging pahayag sa media ng action superstar na inaalagan nito at ng bagong napangasawang si Mariel Rodriguez ang dalawa sa mga anak nilang sina Kylie at ang bunso na si Allih. Ang nasabi kasi ni Robin sa mga naglabasang interview sa kanya: “Nagpapasalamat ako kay Mariel dahil sa panahon na iyon na dapat kami po ay nasa honeymoon period, nag-aalaga po siya ng bata no’ng panahon na dapat ay umaatikabong pag-ibig, siya po ang nag-aalaga ng dalawang bata.”

Pero pagdating nga ni Allih sa Australia noong September 20 para muling mabalik sa pag-aaruga ng kanyang ina, laking gulat umano nitong si Liezl na ang daming kuto at lisa ng bata. Kaya hindi napigilang mag-react na: ipinagmalaki pa umanong inaalagaan ni Mariel si Allih pero bakit daw gano’n?

‘Yon na!

Anyway, baka naman totoong inalagaan nga ni Mariel sina Kylie at Allih. Hindi nga lang siguro tutok na tutok na kasing-busisi ng isang hands-on Mom na pati buhok ng mga bata ay matiyagang titingnan kung may kuto o lisa, kaya hindi siguro nito napansin ‘yon.

O baka naman takot ang actress-TV host sa mga kuto o lisa? Ang isang dalaga kasing gaya ni Mariel na biglang nag-asawa na ang naging mister ay may mga anak na, siyempre hindi kaagad-agad makapag-a-adjust sa kung ano ang mga dapat niyang gawin bilang madrasta ng mga bata.

Hindi rin namin ma-imagine na ang isang gaya ni Mariel na bukod sa pagiging isang maganda, sexy, at sikat na actress-TV host ay medyo sosyal at mukhang maselan – nagtatanggal at nagtitiris ng mga kuto at lisa sa buhok ni Allih. Siyempre, may yaya naman kasi ang bata na siyang responsable sa personal hygiene nito.

And in fairness, may reaksiyon naman nga ang nasabing yaya tungkol sa pagkakaroon ng mga kuto at lisa ni Allih. Mahigit five months na umano niyang inaalagaan ang bata. At itong September lang daw niya napansin na may mga kuto at lisa ang kanyang alaga na hindi na raw niya nagamot dahil bumalik na ito ng Australia.

Everyday umano kasing naaarawan si Allih dahil nagdya-jogging sa Quezon Memorial Circle na inaabot daw ng tanghali o minsan ay hanggang alas-tres pa raw ng hapon. Pero twice daw naman ito kung maligo, bago umalis at pag-uwi nito ng bahay.

‘Yon nga lang, kapag nasa bahay ay mahilig din daw kasi itong makipaglaro sa mga street children na naroon sa area nila. Sa mga nasabing bata raw siguro nakuha ito ni Allih.

Ganyan?

KRIS AQUINO IS just being honest lang naman nga siguro nang mabanggit niya sa latest interview sa kanya na walang financial support na ibinibigay ang ex-husband niyang si James Yap para sa anak nilang si Bimby o Baby James. Natanong kasi ito sa kanya ng media, alangang magsinungaling nga naman siya at sabihing meron kung wala naman talaga.

Pero hindi naman daw kasi niya hinihiningi iyon from James. At hindi rin naman daw inu-offer ng huli.

Dahil do’n, may mga nagtatanong din: Bakit nga raw ba hindi na lang magkusa itong si James? To think daw na he is said to be PBA’s highest paid player sa kasalukuyan.

Pero sinasabi nga ni Kris, hindi niya hinihingi na magbigay ng financial support si James para sa anak nilang si Bimby.   Makakagulo lang daw kasi.

Kung sa bagay, kung malaki ang kita ni James, mas malaki ang earnings ni Kris. Kaya niyang mag-isang tustusan ang pangangailangan ng kanyang anak nang bonggang-bongga. Kaya hindi raw big deal sa tinaguriang Queen of All Media kung magbigay ng sustento o hindi si James.

May isang request lang daw si Kris. Na sana raw sakaling may mangyari sa kanya, hindi pababayan ni James ang anak nilang si Bimby.

Na siguro naman ay hindi nga pababayaan ni James ang bata. Siyempre, he’s the father na hindi naman kailangang pagdudahan pa ang pagmamahal para sa anak.

In fairness to James, maaaring naghihintay lang ito na manggaling kay Kris ang tungkol sa financial support. Baka naaalangan itong magkusa dahil siyampre nga, ‘di hamak na mas malaki nga ang kita ng actress-TV host.

Paano nga naman kung halimbawa mag-offer siya tapos ang maging dayalog ni Kris: No thanks, kaya ko namang suportahan ang anak natin. O, eh ‘di nasaling pa ang pagkalalaki ni James.

Knowing Kris, ‘di ba?

‘Yon na!

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan

Previous articleSa dami ng dinaraanang intriga: Marian Rivera at Dingdong Dantes, nagkakalamigan na?
Next articleAngelica Panganiban, Niregaluhan ni Derek ng 2.5-carat Diamond Earrings!

No posts to display