Hunk actor, nakulong sa las vegas dahil sa pakikipagsuntukan?!

ACTUALLY, BLIND item ito tungkol sa isa pang blind item. Nagtatanong kasi sa amin ang isang live audience sa taping ng isang gag show. Ayon sa e-mail na aming natanggap, may isang blind item segment ang show, kung saan pinag-usapan ang tungkol sa isang hunk actor sa kabilang network na nakulong umano sa Las Vegas dahil sa pakikipagsuntukan at pakikipag-away nito sa nasabing lugar. Naganap daw ang insidente noong huling laban ni Manny Pacquiao roon.

Ang ipinagtataka raw ng mga host ay kung bakit tila nagkaroon ng news block-out ang insidente, na tila wala ring entertainment writer na naglakas-loob na magsulat tungkol dito. Very reliable din daw ang source ng kanilang blind item na mismong direktor ng kanilang show. Nagbigay pa nga raw ng clue ang mga host, hanggang sa napangalanan ng isa sa mga host na kilala sa pagkamali-mali.

‘Eto na ang siste, inere na raw ang episode na ‘yun ng gag show, pero nagulat ang nagtatanong sa amin dahil hindi raw kasamang inere ang naturang ‘segment’. Sa madaling salita, na-cut na raw. Very sensitive nga raw naman ang BI na bigay na bigay ang clue. Kaya naman siguro, napagpasiyahan na lang ng show na ‘wag nang sa kanila pa magmula ang usok. ‘Yun na!

(By Dani Flores)

Previous articleMga Dorobo sa C-5
Next articleKaya nakipaghiwalay sa actress-girlfriend: madir ni aktor, feel pa rin ang ex-girlfriend!

No posts to display