Graduate ng reality show, beauty lang sa labas pero beast ang ugali!

SA ISANG pagtitipon, nairita ang aming source sa asta nitong isang la-ocean deep na graduate ng isang reality show. Ayon pa sa kanyang kuwento, nagpakuha ng pagkain itong reality show graduate sa kanyang alalay, na malugod namang sinunod ang utos ng kanyang amo.

Pagkakuha ng pagkain ay inilapag na niya ito sa mesa at sinabihan si reality show graduate na kumain na ito. Tinignan lang daw ni reality show graduate ang pagkain at parang hindi nito feel na kainin ang food na kinuha ng kanyang personal assistant.

So deadma na si PA, at nang lumalim na ang gabi, nagpaalam itong si PA na kukuha ng food dahil gutom na ito. Dito na nag-inarte ang reality show graduate at parang sinabihan ang PA na huwag kang kumain dito, hindi ka kabilang sa headcount kaya stay ka lang diyan.

Napansin ng aming source na sobra-sobra ang pagkain sa buffet table at lahat ng nandu’n, puwede pang bumalik at kumain ulit. Dagdag pa ng aming source, napaka-beast naman ng ugali nitong reality show graduate, hindi raw pala siya beauty talaga! Naku, may makakakilala kaya sa kanya?

(By Arniel Serato)


Previous articleDemolition job sa kontrobersiyal na personality, inilarga na!
Next articleIza Calzado, dedma lang sa billing issue

No posts to display