Gawad Katapatan (Batch 42)

Sina Raffy Tulfo at Niña Taduran kasama ang Batch 42 awardees ng Gawad Katapatan. Ang mga nakatayo mula kanan pakaliwa ay sina: Jonathan Claus, Regino Parenzo, Vergil Lucero, Alexander Pecundo, Leopoldo Mesia, Jr., Ronaldo Olaes, Alfonso Jamin, Victor Untalan, Blas Juanitez at Mario Mijares.
Sina Raffy Tulfo at Niña Taduran kasama ang Batch 42 awardees ng Gawad Katapatan. Ang mga nakatayo mula kanan pakaliwa ay sina: Jonathan Claus, Regino Parenzo, Vergil Lucero, Alexander Pecundo, Leopoldo Mesia, Jr., Ronaldo Olaes, Alfonso Jamin, Victor Untalan, Blas Juanitez at Mario Mijares.

Noong Biyernes, July 1, 2016, muling nagbigay-pugay ang programang Wanted Sa Radyo sa mga matatapat nating mga kababayan na nagsauli ng pera at mga mahahalagang gamit na kanilang natagpuan. Idinaos ang 42nd Gawad Katapatan sa studio ng Radyo5 sa TV5 Media Center sa Reliance corner Sheridan Sts., Mandaluyong City.
Ang matatapat na Pilipinong pinarangalan ay sina: (1) Mario C. Mijares ng MKBM Taxi, nagsauli ng wallet na naglalaman ng P16,440.00 at SG$792.00. (2) Blas B. Juanitez ng Flor Imagine Taxi, nagsauli ng wallet na may lamang P19,640.00. (3) Alexander A. Pecundo ng Elpa Taxi, nagbalik ng wallet na may P10,370.00 at 54 Chinese Yuan. (4) Jonathan G. Claus, isang security guard at tricycle driver, nagsauli ng wallet na may P4,000.00. (5) Vergil G. Lucero ng Rangen Taxi, nagsauli ng iPhone 6s. (6) Alfonso A. Jamin ng Isomar Taxi, nagbalik ng backpack na may HP laptop, PSP, Sony cellphone atbp. (7) Regino L. Parenzo ng Nine Star Taxi, nagsauli ng bag na may lamang Samsung laptop. (8) Ronald C. Olaes, isang Uber Car driver, nagsauli ng Lenovo laptop (9) Victor A. Untalan ng Claspa Taxi, nagbalik ng Dell laptop. At si (10) Leopoldo C. Mesia, Jr. ng Zoe Marie Transport, nagsauli ng backpack na may Acer laptop.

Shooting Range
Raffy Tulfo

Previous articleMaine Mendoza, ayaw pa ring bumigay kay Alden Richards
Next articleDr. Milagros O. How, kinikilala at ibinabahagi ang buhay-magsasaka sa pamamagitan ng TOFARM Film Festival

No posts to display