Gawad Katapatan (Batch 23)

MULING PINARANGALAN sa programang Wanted Sa Radyo ang pagkilala sa mga matatapat nating kapatid na walang pag-aalinlangang nagsosoli ng mga mahahalagang gamit o bagay na kanilang napulot. Kaya noong September 26, 2014, Biyernes, ay idinaos ang 23rd Gawad Katapatan sa studio ng Radyo5 sa TV5 Media Center sa Reliance corner Sheridan St. Mandaluyong City.

Ang mga matatapat na awardees ay sina: (1) Edwin B. Samson ng Empire Hawk Taxi, nagsoli ng pouch na may lamang tennis bracelet, cash na nagkakahalaga ng P4,000.00 at iba pa. (2) Felomino Morata, nagsoli ng wallet na may lamang P2,600.00 cash, cards at mga ID. (3) Danilo P. Legaspi ng Dels Annie Taxi, nagsoli ng Lenovo laptop. (4) Jaime B. Masesar ng God and Me Taxi, nagsoli ng iPhone 4S. (5) Michael F. Romero ng D’Avis Taxi, nagsoli ng Samsung S4 LTE. (6) Leberato R. Silva Jr. ng UV Express, nagsoli ng Samsung Note 2. (7) Raul R. Arichaval ng NRDB Taxi, nagsoli ng Samsung Galaxy Mega. (8) Arnold G. Bautista ng Shoya Taxi, nagsoli ng Nokia E72. (9) Jonas E. Perez ng Lyngail Taxi, nagsoli ng Cherry Mobile Omega. At (10) Lorence S. Soriano ng World Taxi, nagsoli ng Alcatel cellphone.

Shooting Range
Raffy Tulfo

Previous articleProblemado sa Lupa ng Namayapang Ina
Next articleAktor na sexy ang projection, gustong makaiskor sa bading

No posts to display