Fans ni Dingdong Dantes, galit kay Marian Rivera?! – Joey Sarmiento

TRUE BA ANG nakarating sa aming balita na galit ang mga fans ni Dingdong Dantes kay Marian Rivera na binabansagan nilang bad influence si Marian kay Dong?

‘Yan kasi ang usap-usapan sa internet kapag nagbibigay ng opinion ang kani-kanilang mga fans at pati na rin ang mga showbiz observers.

Matagal na naming kilalang mabait si Dong. Down-to-earth at simple. Ma-PR at mabait sa mga tao. Si Marian naman, kilala sa pagiging mataray at palengkera. Madalas, wala raw siyang pakialam sa damdamin ng mga fans.

Lately ay marami ang nakapapansin na medyo lumalamig daw si Dong sa pakikitungo sa mga loyal fans niya kaya ang tanong, si Marian ba ang dahilan?

Kung totoo nga ito, e, no doubt, bad influence nga si Marian kay Dong dahil bali-baligtarin man natin ang mundo, e, kailangan ng isang artista ang mga supporters.

E, sa ginagawa ni Marian kay Dong, parang gusto niyang bawasan ng mga tagahanga ang actor. ‘Wag naman, dahil sayang ang in-invest na kabaitan ni Dong sa kanyang mga tagahanga.

IPINAGPIPILITAN NINA GERALD Anderson at Kim Chiu na meron na silang mutual understanding. Nagsasabihan na raw sila ng “I love you” sa isa’t isa. Ilang beses na rin daw silang nagkaroon ng kissing scenes at sa huling movie daw nila, ang Paano na Kaya?, ibang level na raw ang kanilang halikan, as in, medyo torrid na raw dahil parehong nakabukas ang kanilang mga bibig unlike before.

Du’n daw kasi sa mga nakaraan nilang movie, e, laging nakasara ang kanilang mga lips kapag naghahalikan pero ngayon, nakabukas na raw.

Pero ang tanong, silang dalawa na ba talaga, as in, in real life? Totoo bang mahal nila ang isa’t isa sa totoong buhay? Or sumasakay lang sila sa love team gimmick ng kanilang mother studio?

Kasi, marami raw butas ang kanilang loveteam. Sabi ng ilan, hindi raw convincing ang kanilang ligawan blues. Parang walang spark.

Hmmm… gaya nga ng title ng kanilang movie, paano na kaya kung magsawa ang kanilang mga fans sa ganu’ng gimik?

Just asking lang naman po.

Si Ozu ang isa sa mga bagong members ng Maskulados Dos. Pero maraming showbiz gays ang nagsabi, galing daw sa isang sikat na gay bar sa Kyusi ang hunk performer.

Matagal na raw nagdyi-GRO si Ozu sa gay bar na ‘yon nang nag-join siya sa boy group ni Direk Maryo J. delos Reyes.

Kung totoo man ang balitang ito, wala kaming nakikitang masama dahil hindi naman dapat pandirihan ang mga taong nagwo-work sa ganu’n.

Sabi nga, lahat naman, e, may karapatang magbagong-buhay at kung sakaling pinili ni Ozu na magbagong-buhay sa Maskulados Dos, e, mas maganda.

Kung sa bagay, with Maskulados Dos, mas magagamit niya sa magandang paraan ang kanyang pag-indayog, left and right, hendehvah?

And this time, hindi lang siya sa gay bar mapapanood kundi on national TV pa, that is, kung true ang mga bali-balitang GRO siya dati sa isang club.

At kung totoo man ‘yon, welkam ka sa showbiz at sa ‘yong pagbabagong-buhay, Ozu.

For reactions, please e-mail [email protected]

Sour-MINT
by Joey Sarmiento

Previous articleYoung actor at ina nito, pinagtataguan ang inutangan ng P1-M! – Alex Brosas
Next articleCarla Abellana, buntis daw at may anak na?! – Tita Swarding

No posts to display