Ejay Falcon, wasted Osang’s performance on ‘May Bukas Pa’

HALOS LAHAT NG diyaryo at mga news program sa telebisyon, laman ang wedding nina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo. Lahat ng anggulong pupuwedeng pag-usapan para lang hindi mahuli sa balita, mapapanood mo, mababasa mo.

Obvious ba na gano’n kasikat ang bagong kasal? ‘Wag na kayong ma-shock. Sa diyaryo nga lang, ‘yung isang friend namin, sabi niya, “Hindi muna ‘ko bumibili ng diyaryo ngayon, mama!”

Tanong namin kumbakit. “Eh, kasi naman, puro Juday-Ryan ang laman. Parang wala nang bagong balita kundi sila.”

Eh, sabi namin, gano’n talaga ‘pag sikat. ‘Wag na siyang ma-shock. “Eh, ‘di skip mo na lang kung wa mo type basahin?”

“Gano’n na nga lang siguro ang gagawin ko.”

NASUBAYBAYAN NAMIN ANG istorya ng ‘mag-inang’ Rosanna Roces at EJ Falcon sa May Bukas Pa. In fairness, mahusay talaga si Osang.

Mas naramdaman siguro namin ang mga eksena nilang mag-ina kung convincing umarte si Ejay. Ewan kumba’t hindi namin ‘to naramdaman. Kasi naman, umiiyak na si Ejay, nakangiti pa rin ang mukha, kaya hindi namin ma-feel ang eksena.

Kung hindi rin lang sana abala itong si Ejay o wala siyang pinagkakaabalahan, eh, mangyaring mag-acting workshop siya.  Kasi, ‘pag gano’n nang gano’n ang akting niya, eh, I doubt kung kunin siya ng ibang production staff para sa hawak nilang shows.

Love naman namin si Ejay, dahil ang kanyang manager na si Benjie Alipio ay close friend namin. Kaya payo namin dito kay Ejay, humingi ng opinyon mula sa ibang tao tungkol sa acting niya.

Kung kasama namin sila sa aming opinyon, gawan na niya ng paraan ang kanyang acting bago pa “maudlot” ang kanyang career at ang maalala lang sa kanya ng mga tao’y ‘Big Winner’ lang siya ng PBB Teens Plus.

HALOS LAHAT NA lang ng makausap naming reporter, nagsasabing meron na silang bagong best friend. At ‘yan ay sa katauhan ni Mikaela Bilbao, ang may-ari ng isang derma clinic na sosyal.

I-try daw namin ang clinic. Baka daw libre lang sa amin. Ang sabi naman namin, nahiyang ang mukha namin sa facial process na ginagawa sa amin sa Belo Medical Group.

Sa totoo lang, ang dami na naming pinuntahan nu’ng araw nu’ng burag-burag pa ang mukha namin at ang dami naming pesteng pimples. Pero nu’ng inimbita kami ni Dr. Vicki Belo sa clinic niya, wa ek… du’n pa lang namin naranasan ang kakaibang facial treatment.

Sa wakas, na-achieve din namin ang mukhang gusto namin. Hindi naman kami kagandahan, pero ang fez namin ay produkto ng Belo.

Maging ang numinipis naming hair ay ang Belo rin ang nagpakapal sa pamamagitan ng Meso Scalp. Kaya ang katwiran namin, du’n na kami nahiyang, kaya ba’t kami susubok ng iba, ‘di ba?

Siguro, pag wa na kami type ng Belo na isponsoran, keri lang na mag-try kami sa iba. Saka nu’ng mawalan kami ng TV show nu’ng araw, si Dr. Belo ang isa sa mga tumulong sa amin at hinding-hindi namin makakalimutan ‘yon.

Kaya kung type n’yong kuminis ang mukha n’yo at kumapal ang hair n’yo, call 373-3188. Naku, ipinlag daw namin, o!

Oh My G!
by Ogie Diaz

Previous articleFocus: Nasaan sina Kong?
Next articleWenn Deramas wants to go back to directing dramas

No posts to display