Dingdong Dantes at Richard Gutierrez, damay sa alitang Kris at Ruffa!

HINDI NA MAKONTROL, lumalaki na ang isyu nina Ruffa Gutierrez at Kris Aquino dahil sa pag-walk-out ni Ruffa sa

The Buzz nu’ng nakaraang Linggo.

Nag-sorry na si Kris sa mga interview nito pero sabi nga ni Ruffa, narinig na niya sa buong mundo pero hindi mismo kay Kris. Kaya siguro hinihintay na lang ni Ruffa na tumawag sa kanya si Kris para personal itong humingi ng paumanhin.

Pero ewan ko lang, ha? Hindi na maiwasang magkaroon na ng lamat ang friendship nila, huwag na lang sanang lumala pa.

Ang hindi lang maganda rito, ang dami nang nadadamay. Pati ang pagtakbo ni Sen. Noynoy Aquino ay damay na. At ang ikinaloka ko pa, pati si Dingdong Dantes ay dawit dito dahil sa pagiging active ng aktor sa pagkampanya kay Noynoy at hindi si Richard Gutierrez.

Hay, naku! Labu-labo na iyan! Ang pangit naman kung ang ending ng gulong ito babagsak kina Dingdong at Richard, Hindi naman yata tama, ‘di ba?

Anyway, inaasahang hindi na sisipot si Ruffa sa The Buzz sa Linggo at balak ngang interbyuhin ni Ricky Lo para sa Startalk si Ruffa at malay natin baka mag-live pa ito. Abangan n’yo na lang!

ANG MAG-ASAWANG NONITO at Rachel Donaire ang kinuhang bagong endorser ng Mikaela Medical Team.

Naloka nga ako, biglang nagpa-presscon si Mikaela pagkatapos niyang nanahimik ng ilang buwan. Ang dami pang naglabasang tsismis tungkol sa kanya na kesyo nagtatago na raw ito sa mga utang niya, kaya biglang apir ang Mikaela para sagutin ‘yun na wala siyang pinagtataguan.

Abala raw siya ngayon sa hotel kasama ang spa na itinatayo raw niya ngayon sa Tagaytay.

Anyway, sa presscon ng mag-asawang Nonito at Rachel, hindi maiwasang pagkumparahin sila sa mag-asawang Manny at Jinkee Pacquiao.

May nag-comment pang mas educated daw si Rachel kesa kay Jinkee, na kaagad namang itinanggi iyan ng mag-asawa dahil mabait daw sa kanila sina Manny at Jinkee. Hindi raw sila puwedeng pagkumparahin dahil magkaiba naman daw sila at edukada naman daw si Jinkee.

In fairness nga naman kay Jinkee, lumabas ang pagka-edukada nito sa gitna ng intriga nito kay Krista Ranillo.

Sabi nga ni Rachel, it’s just like comparing apples to oranges. Magkaibang-magkaiba raw sila at malaki raw ang respeto nila sa mag-asawang Manny at Jinkee.

Parang type nga ng asawa ni Nonito na si Rachel na pasukin ang pag-aartista pero ang gusto lang niyang leading man ay si Nonito lang. Kasi naman sa kanilang dalawa, mas seloso pala itong Nonito. Kaya lagi nitong kasama si Rachel dahil ayaw raw niyang mawala sa paningin niya ang kanyang asawa.

Siyanga pala, nabuo ang friendship nina Nonito at Mikaela nang magkasama sila sa Celebrity Duets.

MUKHANG TULOY NA nga raw ang pag-host ni Richard Gutierrez sa Survivor Philippines at Celebrity edition yata ito.

Malamang na madi-delay muna na ang pagsisimula ng Captain Barbell dahil kailangang masimulan na nito ang Survivor.

Nakipag-meeting na si Anabelle Rama sa GMA News and Public Affairs para ma-finalize na ito.

Sa totoo lang, gustung-gusto nga itong gawin ni Richard dahil kakaibang challenge daw ito sa kanya lalo na’t pati siya ay magtatagal nang mahigit dalawang buwan sa isla.

Maganda nga ito lalo na’t mga celebrities ang mga kasama niya ritong castaway. Abangan natin iyan!

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

Previous articlePowertripping ang dating ni Kris Aquino kay Raymond Gutierrez!
Next articleQuiboloy, iritado kay Noynoy

No posts to display