After watching the trailer of “The Third Party” starring Angel Locsin, Zanjoe Marudo, and Sam Milby, nag-enjoy kami sa aming napanood. Agad tinanong ng press ang tatlong bida ng pelikula kung na- experience na nilang magkaroon ng third party sa past relationship.
Para kay Zanjoe, hindi pa niya experience. Feeling naman ni Sam, parang mayroon, wala nga lang daw siyang ebidensiya. Inamin ni Angel na may third party sa past relationship niya kaya sila nagkahiwalay. Sa kanya na lang daw ‘yun, ayaw na niyang mag-elaborate pa dahil tapos na.
If ever mangyayari kay Angel ‘yung character na pino-portray niya as Andi na ipinagpalit siya ng boyfriend sa isang gay, may paliwanag ang actress tungkol dito, “Sa akin kasi, napakalawak ng love for me. Ang love, walang boundaries, walang limitations, walang anything. So, ‘pag tanggap mo ‘yung tao, kahit ano ‘yung past niya, kung anuman ‘yung baho sa kanya, tatanggapin mo. Kasi, depende ‘yun sa ‘yo kung kaya mong mabuhay kasama siya o depende sa ‘yo kung kaya mong mabuhay na wala siya, kung paano siya, tiisin mo lang, kasi mahal mo siya.”
Challenging para kay Sam ang character ni Max na boyfriend ni Christian (Zanjoe) kaya nito tinanggap ang project. Okay lang sa dalawa kung may kissing scene sila at kailangan sa eksena.
“Walang hesitation. I was excited. Kasi as an actor, you’re always looking for something different. A different role to challenge yourself,” say ni Sam.
Inamin nina Angel, Zanjoe, Sam, at Direk Jason Paul Laxamana na kinikilig sila habang pinanonood ang sweet moments nina Zanjoe at Sam. Cute naman kasing tignan dahil parehong simpatiko ang dalawang leading man ng magaling na actress.
Hindi na bago para kay Zanjoe ang role na gay dahil ilang beses na rin nitong ginawa sa pelikula at telebisyon. Ang importante sa actor, maganda ang script at ang character na ipo-portray niya, kahit ano pa ang role na ibigay sa kanya. Medyo nag-adjust si Sam dahil first time nitong gagawa ng ganitong tema at character.
Kailangang maging kapani-paniwala ang role na ginagampanan ni Sam bilang lover ni Zanjoe kaya na-challenge siya. May pagka-comedy kasi kaya niya ito tinanggap.
Sabi ng hunk actor/singer, “Hindi ko ma-imagine ‘yung movie na ‘Brokeback Mountain’, ‘yung sobrang seryoso na heavy drama.”
Ayon kay Direk Jason, light lang ang sweet moments nina Sam at Zanjoe, kaya enjoy sila pareho while doing the film.
Kuwento nga ni Sam, at first, medyo awkward daw ‘yung sweet moment nilani Zanjoe, pero habang tumatagal, nakapag-adjust na sila sa isa’t isa.
Dagdag naman ni Zanjoe, nang pinanonood niya ang “The Third Party”, para raw siyang totoong bading, natawa na lang ito. “The first few scenes namin ni Sam parang awkward. Nang tumagal na pinagtatawanan na lang namin, enjoy kami pareho. ‘Yung trabahonamin, hindi puwedeng kulang. Hindi puwedeng hilaw, ‘pag pinanood, mahahalata,” sabi ni Zanjoe.
AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield