Andi Eigenmann, ididirek ni Carlo Caparas

Andi-EigenmannMATAGAL DING namahinga sa pagdidirek ang box-office director at komiks novelist na si Carlo Caparas. Pero kung totoo ang ipinost ni Andi Eigenmann sa kanyang Instagram na ididirek siya ni Direk Carlo, magandang balita dahil magbabalik ang tunay na direktor na siyang nagbigay ng katuparan sa mga kapus-palad na biktima ng mga kalunus-lunos na krimen para makamtam ang katarungan sa pamamagitan ng pagsasapelikula ng mga buhay ng naging biktima ng karumal-dumal na krimen sa bansa.

Nag-post kasi sa kanyang Instagram si Andi ng larawan nila ni Direk Carlo kasama ang big boss ng Viva na si Vic del Rosario. Kuha ang larawan sa conference room ng Viva office, kung saan ginagawa ang mga meeting, project negotiation, contract signing, at press interview ng mga artista ng Viva.

Sabi ni Andi: “Thank you so much for everything Boss Vic and for giving me this opportunity to work with Sir Carlo Caparas. This project is really something for all of us to watch out for. Ang saya-saya!”

Kung walang magiging problema, tila napakaganda at special ang pelikulang gagawin ni Andi sa Viva Films dahil nagustuhan ni Direk Carlo ang project para siya idirek at gawin ang movie.

Huling balita kasing natanggap namin, nasa Cebu si Direk Carlo kasama ang asawang si Donna Villa, ang super bait at mahal ng showbiz people.

Welcome back Direk Carlo at Donna Villa. Miss na kayo ng showbiz industry.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

Previous articleAlden Richards & Julie Anne San Jose: Love is like a Tidal Wave
Next articleJasmine Curtis, naetsa-puwera sa movie nila ni Alden Richards dahil kay Yaya Dub?