NGAYONG TAONG 2015 ay nagsimula na ang Advent Season noong November 29. Ang Advent Season ay isa sa limang Catholic Liturgical year. Ano nga ba ang Catholic Liturgical year? The Catholic Liturgical year ay kilala rin sa tawag na “The Church year”. Ito ay cycle ng mga seasons sa Roman Rite of Catholic Church. Nagsisimula ito ng mga early December. Ang 5 seasons na ito ay ang Advent Season, Christmas, Lent, Easter, at Ordinary Time. Ano nga ba ang ibig sabihin ng Advent?
Ang Advent ay nagmula sa Latin word na “Advenice” na nangangahulugan na “to come to” at Adventus na ang ibig sabihin naman ay “An Arrival”. Ang Advent ay “pagdating”. Ang pinagtutuunan ng pansin ay ang pagdiriwang ng kapanganakan ni Hesus noong una siyang dumating at ang pag-asa sa kanyang muling pagbabalik. Ang advent ay ang pagdiriwang ng katotohanan tungkol sa Diyos, ang pagpapahayag ng Diyos kay Kristo sa muling pagpapanumbalik ng lahat ng nilalang sa Diyos. Ito ay sumisimbolo din sa ating espiritual na paglalakbay bilang indibiduwal at kongregasyon na nagpapatotoo na Hesus ay dumating at ang Kanyang presensiya ay nasa ating kalagitnaan ngayon, at buong kapangyarihan siyang babalik.
Tuwing nagsisimula na ang Advent Season at kapag tayo ay pumupunta sa Misa ay mayroong bilog sa harapan at may apat na kandila, tatlong kulay purple at isang pink, at nag-iisang kandila sa gitna naman nito ay kulay puti. Alam mo kung ano yun? Ang tawag dun ay ang Ang Advent Wreath, Ano nga ba ang Advent Wreath? Ano ang sinisimbolo nito? Ang Advent wreath ay simbolo ng Kapaskuhan. Ang pagiging bilog ng wreath ay naglalarawan na walang simula at walang katapusan na nagpapaalaala sa atin sa pagiging walang hanggan ng Diyos at sa Kanyang walang katapusang kahabagan. Ito ay may 4 na ka dila na, tatlong kulay purple at ang isang naman ay pink, mayroon din isa pang kandila sa gitna nito, ito ay kulay puti naman. Ang bawat Kandila ay may sinisimbolo, may mga kahuluhan. Ano nga ba ang mga kahulugan nito?
Ang unang kandila, na may kulay na purple, ay sumasagisag sa pag-asa, ang pinangako ng Diyos na ipadadala niya ang tagapagligtas sa sandaigdigan; ito’y sinisindihan sa unang lingo na siyang simula din ng liturgical calendar ng mga Katoliko.
Ang pangalawang kandila, na purple din, ay simbolo ng paghahanda. Pinaghahandaan natin ang sarili natin sa espiritwal at moral na aspeto upang tanggapin natin si Kristo sa ating puso.
Ang pangatlong kandila, na kulay pink, ay kumakatawan sa kasiyahan nung si Kristo’y ipinanganak ng Birheng Maria. Hindi lang nilimita ang kagalakang ito sa mundo sapagka’t pati ang langit at ang mga anghel ay nakilahok sa kasiyahang ito.
Ang pang-apat na kandila’y kulay purple din. Ito naman ang kandila ng pag-ibig. Sa pagpapadala ng Panginoon sa sarili niyang anak, ipinakita niya ang kanyang lubos na pag-ibig para sa mundo.
Ang huling kandila, na kulay puti, ay sumasagisag sa kadalisayan, na inialay ni Kristo ang sarili niya upang burahin ang kasalanan mula sa mundong ito.
Ito ang kahulugan ng Advent wreath. Tayo ay laging pumunta ng Misa at ngayong season of Advent, ating pakinggan at isa-isipan at isa-puso ang salita ng ating mahal na Panginoon.
Usapang Bagets
By Ralph Tulfo