BONGGA ANG LISTAHAN ng mga winners sa ika-40th Gawad Urian Award ng Manunuri ng Pelikulang Pilipino held last night sa Studio 10 ng ABS-CBN.
Star studded ang event. Ang mga nominees sa iba’t ibang mga category ay dumalo manalo man o matalo.
Syempre, hindi mawawala si Vilma Santos na binigyan ng Natatanging Gawad Urian ng award giving body na kung bibilangin ay pang labing dalawang award na ito ni Ate Vi mula sa Manunuri. Kasama ng aktres ang mister na si Sen. Ralph Recto.
Talyada si Paolo Ballesteros na umawra sa make-up transformation niya as the controversial Kim Kardashian-West na nagwagi as Best Actor sa pelikula niyang Die Beautiful. Si Christian Bables ang naguwi ng Best Supporting Actor sa role niya as Barbs sa pelikula nila ni Paolo na napaiyak nang i-congratulate siya at niyakap ng idol niya na si John Lloyd Cruz.
Nag-perform sina Lea Salonga at Jona. Present si Christopher De Leon. Dumating sa event sina Ai Ai delas Alas, Elizabeth Oropesa at Charo Santos ( na nag-open ng Gawad Urian) at marami pang iba.
Narito ang kumpletong listahan ng mga nagwagi sa 40th Urian:
Best Picture: Women of the Weeping River
Best Actor: Paolo Ballesteros of Die Beautiful
Best Actress: Hasmine Kilip of Pamilya Ordinaryo
Best Supporting Actress: Ma. Zidamar Caranay-Raper of Women of the Weeping River
Best Supporting Actor: Christian Bables of Die Beautiful
Pinakamahusay Na Direksyon: Sheron Dayoc (Women of the Weeping River)
Pinakamahusay na Maikling Pelikula: Nakaw
Pinakamahusay Na Documentaryo: Sunday Beauty Queen
Pinakamahusay Na Tunog: Hinulid (Mark Laccay)
Pinakamahusay Na Musika: Tuos (Jema Pamintuan)
Pinakamahusay na Editing: Women of the Weeping River (Carlo Francisco Manatad)
Reyted K
By RK Villacorta