I WAS at the Golden Screen Awards of the ENPRESS last Friday night held at the Teatrino in Greenhills.
Kahit simple lang ang ceremony nila, star-studded tutuusin ang event.
Present were celebrities like Gerald Anderson, Dingdong Dantes, Marian Rivera, Richard Yap, Sylvia Sanchez, Arjo Atayde, BB Gandang-hari, YouTube sensation Sebastian Castro, Raymond Gutierrez, Kara David, Julius Babao, Jasmine Curtis, Nova Villa, Eddie Garcia at kung sinu-sino pa.
Pero kapuna-puna that night ang kabastusan nitong si Paolo Avelino na tila iritado nang tawagin siya to be one of the presentor that night.
Nag-aalburoto sa kanyang opening remarks to the idea na napilitan siyang gawin ang ayaw niya which for me is very rude para magsabi pa nang ganu’n bilang isang artista.
Sa backstage, dahil sa kakulangan ng magpe-present at ang natitira na lang ay si Paulo, no choice ang mga ENPRESS people (specially the entertainment writers na naki-usap sa kanya) sa backstage na pakiusapan siya na kung p’wede siya ang mag-present sa isang category.
From an insider, kapag Star Magic daw, dapat ipinagpapaalam (kahit last minute decision) ang gayong mga sitwasyon at pagkakataon.
Tama lang na tanggihan ng road manager or production assistant ng aktor ang sitwasyon dahil it is beyond their control at dapat ay sundin ang rules ng management company ni Paulo.
Pero para sa isang artistang hinahangaan ng publiko, lalo na ng mga kabataan, it’s not proper na magbigay ka ng side comment sa sitwasyon (na napilitan ka lang kaya ka nagpe-present) the fact na artista ka na, dapat man lang inintindi mo ang kakulangan ng mga artista na magpe-present.
Maliit lang ang industriya ng showbiz na sa gayong mga pagkakataon, dapat nagtutulu-ngan.
Pero hindi na bago itong attitude ni Paulo. Noon pa man, may mga rude attitude din siya na ipinamamalas sa mga events na kinabibilangan niya just like the presscon ng Cosmo Magazine na ayaw nitong magpa-interview after the panel Q and A at sabay walk-out.
Kung ni-reverse sana ni Paulo ang kanyang statement to the idea na kaya siya magpe-present kahit bawal at walang paalam sa Star Magic, he will do it for the press people na sumusuporta sa kanya, ewan ko na lang kung hindi siya mamahalin ng mga ito.
MAY KILIG factor sa tambalang Daniel Padilla at Kathryn Bernando.
Kaya nga ang mga fans ng dalawa na naroroon at nag-miron sa presscon ng first movie nila na Must Be Love ng Star Cinema last Thursday mula sa direksyon ni Dado Lumibao, mukhang malakas ang paramdam ng mga tagahanga ng dalawa na all out ang suporta nila sa kanilang mga idolo.
Hindi man aminado na sila na nga, inamin ni Daniel na may M.U. ( as in mutual understanding) na silang dalawa.
Nang sinabi ni Daniel publicly na happy siya kapag kasama niya ang dalaga, ang mga fans, kinikilig at sabay tilian.
Noong Valentine’s Day magkasama ang dalawa. Nag-movie marathon na kung ilang pelikula rin ang pinanood nila during that special day.
Kuwento nga ng mga kasamahan ng dalawa sa pelikula, ayaw man hayagang aminin na mag-on sila, pati mga co-stars nila kinikilig sa lambingan ng dalawa.
Si Arlene Muhlach nga na kung ilang anak na meron, kinikilig kapag nakikita sina Daniel at Kathryn na naglalabing-loving.
FOR THE first time, we’ve met Sebastian Castro in person last Friday night.
For those who do not know Seb (his nickname) siya ang cutie bagets na bagong YouTube sensation with his Bubbles music video directed by Dennis Sebastian that deals with his virginity. Yes, the music video speaks about losing his virginity at the age of 14 with his “bestftriend”.
Next week, we will write more about our encounter with Seb.
Reyted K
By RK VillaCorta