Patapos na ang kontrata sa Siyete Claudine Barretto, ayaw nang bumalik sa Dos!

NAKATAKDANG MAGBAKASYON pala sa Europe ang mag-asawang Claudine Barretto at Raymart Santiago.

Magtatapos na pala ang kontrata ni Claudine sa GMA-7 at tamang-tama, magbabakasyon daw mula sila sa Europe na silang dalawa lang ni Raymart.

Kaya parang honeyemoon na nila ito dahil ‘yung dating biyahe nila, kasama ang mga anak nila. Ito, silang dalawa lang.

Kailangan daw nila ito bilang payo sa kanila ng kanilang marriage counselor. Hanggang ngayon ay nagka-counseling pa raw sila dahil gusto naman nilang maayos pa nila ang kanilang pagsasama.

At least nandiyan ang effort nila na maayos ang kung ano mang problema nilang mag-asawa.

Inamin naman ni Claudine na hindi maganda ang 2011 niya. Pero ang hindi lang niya makakalimutan ay nagkabati sila ng Ate Gretchen niya. Kaya okay na raw ‘yun.

Ang wish lang ni Claudine, na sana makagawa na raw siya ng drama ngayon. Hindi lang natin alam kung saan siya makakagawa ng drama, dahil wala pang balita kung iri-renew ba siya ng GMA-7 o babalik ba ng ABS-CBN 2.

Ang kuwento namang nakarating sa amin, ayaw na raw ni Claudine bumalik sa Dos. Ang dinig ko sa Star Cinema lang yata siya gagawa ng pelikula pero wala sa TV.

Baka may offer ang TV5 pero wala pa tayong balita. Abangan na lang natin.

NAKAKATUWA NAMAN si Willie Revillame, huh! Kaya pala nawala siya ng isang linggo nu’ng nakaraang New Year, nagbakasyon daw ito sa Macau at Hong Kong.

Gamit ang private plane niya, dinala niya ang mga kasambahay niya at mga driver at pinagbakasyon doon.

Bongga, ‘di ba? Tuwang-tuwa nga ang mga tauhan niya dahil hindi ito nakalimot na i-treat sila ng ganu’ng bakasyon.

Matagal na ‘yang naikuwento sa amin ni Willie, eh. Hindi lang daw mga staff niya sa Wil Time Bigtime ang gusto niyang ibakasyon kundi ang mga kasamahan niya sa bahay. Kaya tuwang-tuwa silang lahat.

Pansamantalang si Arnell Ignacio ang pumalit muna sa kanya.

Pagbalik nito nu’ng Lunes, nanalo agad ng jackpot ang isang nursing student na contestant. Gusto talagang ibigay ni Willie ang jackpot na ‘yun para buena mano sa taong 2012.

Mas marami pa raw ipa-mimigay ang Wil Time Bigtime niya kaya abangan n’yo na lang. Tiyak na lalong dadami ang dadagsa sa studio niyan!

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

Previous articleDahil daw sa pride Vice Ganda, ‘di handang makipagbati kay Ai-Ai delas Alas?!
Next articleKapag ‘di tinigilan ng intriga Pauleen Luna, lalayasan ang Eat, Bulaga?!

No posts to display