HINDI NAMIN madalas na nai-interview si Gerald Anderson, pero noong last naming siyang nakausap, puro magagandang salita ang kanyang mga sinabi tungkol sa nagpapaganda ng kanyang araw, si Sarah Geronimo.
Ayon pa sa kanya, “I’m just happy, kasi siyempre po, yung pagiging mas close namin ni Sarah, is glomming to be a beautiful relationship, friendship. So, gusto ko lang alagaan ‘yun, kumbaga a-yokong maging kumplikado. You know every time is fine nowadays, were friends.”
Pag-amin niya, ‘andu’n pa rin sila sa liwagan stage and nothing is official yet between the two of them. Aniya, “’Di po, hindi pa po. Marami pa pong kailangan i-realize at baguhin sa mga sarili namin. Ako, I’m taking this panliligaw ko kay Sarah as a journey, an’dami ko pong natutunan sa kanya, focus ko sa sarili kung ano pa ‘yung kaila-ngang i-improve ko pa sa sarili ko.”
Dagdag pa niya, kay Sarah siya nahirapan in terms of pagpapa-oo rito. Pero hindi, ‘nahirapan’ ang term na nais niyang gamitin kundi ‘journey’. Paglilinaw niya, “Hindi sa nahihirapan, it’s an amazing journey na talagang kung paano namin makikilala o kung paano namin kinilala ang ang isa’t isa. So, alam mo ‘yung nakukuha kong aral, ‘yung nakukuha kong inspirasyon as friends mula sa kanya, ayaw kong sirain ‘yun.”
Ayaw namang sagutin ni Gerald ang tanong namin noon kung nililigawan din ba niya ang ina ni Sarah na si Mommy Divine. Iniwasan niya ang ganitong tanong pati na ang tungkol sa pelikulang nakatakda sana nilang pagsasamahan dahil diumano ay hinarang ito ni Mommy Divine. Tanging sabi niya, “Wala pa po akong balita tungkol doon.”
Patuloy na lahad niya, pinapaligaya raw ni Sarah ang kanyang puso at ganu’n din naman daw siya sa dalaga. Kuwento niya, “’Yung mga simpleng bagay lang, ‘yung mga aral, ‘yung mga tinuturo niya sa akin. Alam mo si Sarah, paganu’n-ganu’n lang ‘yan sa stage, bubbly-bubbly ‘yan. Pero malalim na tao ‘yun, ang sarap kausap kapag may problema, kapag marami o kailangan mo nang tulong, isa siya sa mga dapat kausapin.”
Nu’ng nakita nga raw niyang nag-perform si Sarah sa stage noong unang bahagi ng birthday concert nitong SG/24 ay lalo pa raw siyang napahanga sa nililigawan. Aniya, “First of all, sobra na akong believe sa kanya, tinext ko siya na ‘ngayon pa lang sobra na akong humahanga sa ‘yo’. Tapos noong, napanood ko na, sabi ko wow, sobra niyang nalampasan ‘yung mga expectations ko sa kanya. Sobrang galing niya, ‘di ba, nakaka-proud saka puwede na akong magyabang na kaibigan ko ‘yan, kaibigan ko ‘yang nasa stage, si Sarah Geronimo.”
Pero in the end, kahit kinakitaan namin at nang iba pang media nang kilig si Gerald habang nagkukuwento ay ipinagdiinan pa rin niyang magkaibigan pa lang talaga sila, “We’re friends.”
Halos tatlong linggo na ang panayam naming ito kay Gerald. Pero ang latest, hindi na natuloy ang ligawan nilang ito dahil sa daming factor, na ayon pa sa mga balita, malaking bahagi nito ay ang ‘coldness’ daw ng ina ni Sarah sa kanya. Feel namin, nakapanghihinayang ang maganda na sanang simulain ng dalawa, dahil feeling namin ay in-love sila talaga sa isa’t isa. Apektado raw ako!!!
ISA SA mga entry para sa Cinemalaya 2012 Director’s Showcase ay ang ‘Kalayaan’ na idinirihe ni Adolf Alix, Jr. Pinagbibidahan ang pelikulang ito nina Luis Alandy at Zanjoe Marudo at ng Thai Actor na si Ananda Everingham.
Kuwento ni Adolf sa amin, “Ang Kalayaan ay tungkol siya sa mga lonely soldiers na Pinoy sa Spratly Islands kasi parang siguro noong dini-develop namin ‘yung concept 6 years ago, hindi pa ganu’n kainit ‘yung usapin tungkol sa Spratlys, ang kuwento namin ay kung paano ini-spend ng soldiers doon ‘yung buhay nila.”
May isang eksena sa kanyang pelikula na ang isang sundalo ay nakikipagtalik sa isang sirena, ano kaya ang gusto nilang palabasin dito? Lahad niya, “Well kasi, kasama na siya du’n. Kasi nga kuwento siya ng pagkabaliw du’n nu’ng mga tao. ‘Yun minsan, siguro naiisip nila nangyayari ‘yung mga ganu’n. So, dinagdag na lang namin ‘yun para maiba nang kaunti ‘yung treatment ng pelikula. ‘Pag wala silang magagawa, naglalaro sila. ‘Yung mga ganu’n, beauty pageant. Parang kasi eh, eh wala eh, how do you spend a maghapon sa isang isla na walang ano entertainment. Basic necessity lang, kung ano ‘yung magagawa nila in a day. Karamihan sa kanila gumagawa ng daing, iniuuwi nila sa pamilya nila after 3 months, so ‘yun ‘yung nakababa-got nilang buhay sa Kalayaan.”
Palabas pa rin sa mga piling sinehan ang ‘Kalayaan’ at ang iba pang entries sa Cinemalaya 2012.
Sure na ‘to
By Arniel Serato