Out in the open: Luis Manzano and Jennylyn Mercado, spotted sweet and holding hands in a mall!

NAKU! KAHIT SINASABI ni Aljur Abrenica na ‘exclusively dating’ sila ni Kylie Padilla, parang higit pa ro’n ang kanilang relasyon dahil nakikita naman kung gaano sila ka-sweet kapag lumalabas sila.

Nu’ng nakunan nga silang magkasama sa CCP, kung saan dumalo sila sa 92nd anniversary ng Pelikulang Pilipino ng Mowelfund, umiiwas pa rin si Kylie at ayaw magpa-interview. Si Aljur lang ang nagsalita at ipinaliwanag nga niyang maayos ang relasyon nila ni Kylie.

Exclusively dating nga raw sila, pero nagbibigay ito ng inspirasyon sa kanilang dalawa.

So, ano pa ang ibig sabihin nu’n? Meron na talagang espesyal na pagtitinginan na mukhang tanggap naman ni Robin.

Sabi nga ng action star, ibinigay na niya kay Kylie ang kalayaan kaya kahit lagi silang lumalabas, okay lang sa kanya basta nandiyan daw ang respeto sa kanyang anak.

Sabi ni Robin, “Matanda na ‘yung anak ko, 18 na siya. Alam na n’ya kung anong tama at mali. Makakagulo lang ako ng isip n’ya, importante paalala lang tayo.”

Hindi na raw kailangan magpaalam sa kanya kapag lumalabas sila dahil binigyan na raw niya ng kalayaan ang anak niya.

Kabaduyan na raw ‘yung paalam-paalam pa. Basta ang mahalaga, respetuhin lang daw ang anak niya dahil nirerespeto raw niya ito.

Ang hindi lang handa si Robin ay kung sakaling magpakasal na ang anak niya, dahil napakabata pa raw nito at napaka-promising pa raw ang kanilang career.

“Advice ko sa mga anak ko, ang dami pong mga lalaki, eh. Sayang naman kung sa murang edad eh, magpapatali na kayo, eh. Enjoy lang, kasi isang beses lang tayong dadaan sa pagka-single.  “Nag-asawa ka na mahiwalay ka man o hindi, isa na lang ang lalaki sa buhay mo ‘yung nauna na ‘yun. Para sa akin eh, enjoy,” patuloy na pahayag ni Robin.

At least, proud na proud naman si Robin sa magandang performance ng kanyang anak sa Blusang Itim.

MAY NAGKUWENTO SA aming, open na open na raw sina Luis Manzano at Jennylyn Mercado sa kanilang closeness, huh!

Marami raw ang nakakita sa kanila nu’ng nakaraang Biyernes na magka-holding hands silang naglalakad sa food court ng Shangri-La Mall.

Ang dami nga raw ang tumitingin sa kanila pero wala silang pakialam, basta sweet silang dalawa. Bumitaw lang daw sila nang napansin ni-lang sila na lang ang pinagti-tinginan.

Pero kung tanungin mo si Jennylyn, “friends” lang daw sila. Hindi pa naman daw sila nagmamadali kaya ini-enjoy na lang daw nila ang ganu’ng sitwasyon.

Madalas silang magkasama lalo na kapag nasa trai-ning sila ng Jujitsu. Ang dinig ko sobrang kinakarir na rin daw ni Jennylyn itong martial arts na ito dahil may sasalihan na yata siyang competition.

Malalaman din natin iyan dahil ang dinig ko pinagha-handaan na ito ni Jennylyn.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

Previous articleAlex Gonzaga, threatened by Nadine Samonte’s entry in TV5?!
Next articleBecause of ‘married’ issue: Derek Ramsay, not in good terms with ABS-CBN management?!

No posts to display