Kobe Paras, slam dunk king pa rin

Kobe-ParasCONGRATULATIONS KAY Kobe Paras na champion uli sa Slam Dunk Contest sa FIBA U18 3×3 World Championships na ginanap sa Hungary.

Alam ko, kahapon na dumating si Kobe na sinamahan ng ama niyang si Benjie Paras.

Pinag-uusapan nga ng mga bading na nakapanood sa Internet ng laban ng performance ni Kobe. Magaling daw talaga siya.

Meron pa siyang sumasayaw-sayaw na nakuha rin niya ang pagiging kuwela niya sa Daddy niya.

Last year yata, champion din si Kobe, at sa kanya pa rin ang titulo. Kaya napaka-promising talaga nitong anak ni Benjie.

Pagkatapos ng laban nila sa Hungary, babalik na si Kobe sa Amerika para ituloy ang pag-aaral niya at training sa basketball. Pero siyempre nakatutok sa kanya kung kaya na ba niyang pasukin ang NBA.

Ang proud na proud sa achievement ni Kobe ay ang kuya niyang si Andre Paras.

Tanggap naman ni Andre na sa showbiz na ang linya niya kaya ibinigay na niya kay Kobe ang basketball.

Acting at hosting na talaga siya!

Ginagawa na ngayon ni Andre ang launching movie niya sa Viva Films, kung saan ka-partner niya si Yassi Pressman.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

Previous articleKris Aquino, eeskapo ng bansa pagbaba sa puwesto ni PNoy
Next articlePolo Ravales, lilipat sa Dos dahil gustong maging aktor

No posts to display