Jessica Sanchez, sinisira ng mga fans ni Charice?!

OLA CHIKKA now na! Oh, no… oh, yes… now na! More chikka, more fun na naman tayo to the maximum authority of chikka ng bonggang-bonggang yours truly! Maloloka ka talaga sa Earth!

At dahil sa kagalingan ng kapwa nating Pilipino na si Jessica Sanchez, nakawiwindang kasi ang mga chikka tungkol  sa kanya na bakit ang mga kapwa Pinoy pa natin ang sumisira sa kanya? Imbes na suportahan si Jessica, parang lalo nilang sinisira kagaya ng mga fans ni Charice Pempengco na galit nagalit kay Jessica.

Dahil ba mas ‘in’ ngayon ang ate mo? Dapat parehas nilang suportahan, dahil parehas Pilipino ang mga ‘yun. Nakakaloka sa Earth!

Akalain mo ‘yun Top 4 na si Jessica bukas, kaya dapat mas galingan ni Jessica at talagang bonggang-bongga, dahil kahit ang mga nasa Pilipinas yata na mga bumi-bilib kay Jessica, puwede nang bumoto. ‘Wag na tayong envy… kung hindi naman makakasira sa ‘tin ‘yan. Ang mahalaga, suportahan natin ang kapwa nating Pinoy.

AT  ANOTHER chikka naman ito at maloloka ka talaga sa Earth. Humirit daw na mas happy siya kung No. 1 si Manny Pacquiao among most influencial athlete sa buong mundo. Kasi nga noong nakaraang araw, si Pacquiao ay napabilang sa Forbes magazine na isa sa most influencial athletes.

Sabi ni Manny, “Salamat sa lahat ng fans na walang sawang nagdarasal sa akin, na sumusuporta sa akin.”

Mataray namang sinabi ni Jinkee Pacquiao na, “Happy ako sa kanya, pero mas happy ako na siya ang pinakamaimplu-wensiyang tao sa mundo.”

Kaloka naman, ‘te! Athlete ang pinag-uusapan, hindi pangkalahatang pinakamaimpluwensiyang tao sa mundo.

Ayon kay Manny, hindi raw niya pina-patulan ang mga intriga lalo na sa kanyang pagbabago. “I’ll pray for them. Sabi ko nga, ‘God… he will appear for the second time not to bear sin but to bring salvation for those who are waiting’.”

For your information, hindi naman sa pagbabago ang usapin kung hindi ‘yung mga ginagawa niya. Nagiging OA na sa panlasa ng iba, kahit nga ang nanay niya hindi niya makasundo sa pagpapalit niya ng relihiyon.

Ayon naman kay Jinkee, hindi niya alam ang mga pinagsasabi niya. Dapat maging masaya na lamang siya. “Nandito kami ngayon na mas naging closer pa sa Panginoon. ‘Yun din ang dapat nilang gawin, read the Bible, read the words of God para malaman nila kung gaano kami kasaya ngayon.”

Hindi na dapat turuan ang tao na magbasa ng Bible. Karapatan ‘yan ng kahit sinuman. Nasa kanila na ‘yun at hindi ipagduldulan ang Bible. Mas lalong kasalanan ‘yan. Kasi bilang isang tao, may kanya-kanya tayong kaalaman. Ang kailangan, respetuhan na lang.

Magagawa mo naman ‘yan na hindi kailangang ipagsigawan o i-broadcast na ikaw ay nagbago, na binago ka ng Panginoon. Nasa tao na ‘yun kung gustong magbago. Kasi ang Diyos, hindi ka inuutusan na magbago, ikaw ang nakakaalam, dahil alam na ‘yan ng Diyos kung tama o mali ang ginagawa n’yo.

Tulad ng sinabing nakakagamot na si Manny. Lahat tayo, puwede gumamot kung tayo ay taimtim na humingi ng tulong sa Kanya. Hindi na dapat ipagbunyi, kasi marami ang taong matatalino. Alam nila kung tama ba o mali ang pinaniniwalaan mo sa tao. Ipaubaya na lang n’yo sa Diyos. ‘Yun lang, at badjao!

BLIND ITEM: Sino siya? Sino itong hunk actor na talaga namang yummy kung sa yummy? Nakakaloka, parang wala na kasi ngayon sa circulation ng showbiz. Mukhang wala na kong nababalitaan sa kanya, at take note nang tanungin ko sa aking friend, wala raw, nasa ibang bansa raw, mukhang may inaasikaso. Pak!

Nang ichikka naman sa akin ng other friend, ‘te… akalain mo ‘yun, mukhang true na nasa ibang bansa pero nagpapagamot dahil may malalang sakit si hunk actor!

Ano namang sakit ang malala? Naku, kung ano na lang ang nasa isip n’yo, bahala kayo. Hahaha! Kaloka naman ‘yan!

Good luck na lang sa ‘yo… magpagaling ka muna bago pa magalit ang ex mo na isa ring hunk actor… Pak!

Ooola Chika
E-mail: [email protected]
by Tita Swarding

Previous articleMelanie Marquez, muntik na palang patayin si Lito Lapid… at magpakamatay rin!
Next articleNeri Naig, inaming 6 months na sila ni Chito Miranda!

No posts to display