Janna Dominguez, buntis sa ex-BF ni Iwa Moto!

TOTOO NGANG BUNTIS na itong si Janna Dominguez kay Mickey Ablan!

Nakita raw siya kamakailan lang sa taping ng Pepito Manaloto at medyo malaki na raw ang tiyan niya.

Ang kuwento sa akin, tatlong buwan na raw itong buntis pero ayaw pa rin niyang magsalita tungkol sa kalagayan niya ngayon. Ilang beses na nga iyang kinukulit ng Startalk pero ayaw niya talaga.

Kasi naman hinihintay lang siguro nila si Iwa Moto na umamin ito, at baka mamaya meron siyang gagawing hindi nila magustuhan. Nasa Japan pa kasi si Iwa at sinabi nga niyang sa pagbalik niya ay meron pa siyang pasabog na ilalantad.

I’m sure may kinalaman pa rin iyan kay Mickey dahil totoo naman yata talagang kasal sila.

Ngayon, kung totoong buntis nga si Janna, puwede si-lang makasuhan ni Iwa riyan. Ang sabi lang niya nang pina-follow up siya ng Startalk, abangan na lang daw sa pagbabalik niya dahil sa ngayon ay ayaw pa muna niyang magsalita. Tingnan na lang natin.

Naloka nga ako rito kay Mickey, kasi sa tagal ng relasyon nila ni Iwa, hindi sila nakabuo. Itong sa kanila ni Janna, ilang buwan pa lang, buntis na agad. Bongga!

NGAYONG ARAW NA pala magsisimula ang bagong fantaserye ng GMA-7 na Daldalita. Ito ‘yung ipinalit sa Futbulilits bago mag-24 Oras. Mukhang wagi na naman ito dahil nakakaaliw rito si Jillian Ward na siyang Daldalita nga rito.

Ang natutuwa ako rito ay ang pagbabalik ni Donna Cruz. Masaya na si Donna sa kalagayan niya sa Cebu kasama ang pamilya niya. Pero siguro, hinahanap-hanap din ng katawan niya ang pag-aartista kaya pinagbigyan niya itong alok sa kanya ng GMA-7 na sumali rito sa Daldalita. Special participation lang naman siya rito at ilang araw lang na taping kaya hindi naman daw nakakaapekto sa kanyang responsibilidad bilang Mrs. Larrazabal.

Ang isa pang nakakatuwa rito ay ang pagbabalik-tambalan nina Ogie Alcasid at Manilyn Reynes. Ang laging pinag-uusapan daw nila sa set ay tungkol sa kalagayan ni Regine Velasquez na malapit nang manganak.

Nahirapan kasi si Manilyn sa hu-ling panganganak niya kaya lagi niyang pinagsabihan si Ogie kung anong dapat na pag-aalaga kay Regine.

Pero so far, safe na safe naman si Regine, pero suhi nga ang baby kaya tiyak na caesarian operation ito. Mabuti na rin daw na ganu’n para hindi na rin siya mahirapan at safe na rin para sa kanya, lalo na’t hindi naman ito kabataan na, ‘di ba?

At sasagutin ko lang ang sinulat ni LucyFermin na kung sino ang sumisira kay Willie, manahimik na lang daw. Eh, siya ang unang sumisira kay Willie… naku, ha!!!

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

Previous articleWillie Revillame, pinaaasa lang ang mahihirap na kababayan?!
Next articlePinoy Parazzi Vol 4 Issue 130 October 17 – 18, 2011 Out Now!

No posts to display