ANG AKALA ng marami, papetiks-petiks lang si Enchong Dee sa buhay pero ang hindi alam ng nakararami, seryoso din ang aktor sa buhay.
Hindi alam ng iba na negosyante din ang aktor.
Tawag nga sa kanya ng mga showbiz friends niya “matipid” or in common masses term, si Chong ay “kuripot”.
Sa estado niya sa showbiz na hindi naman milyon ang talent fee niya sa mga projects niya sa telebisyon o pelikula, na keri pa niya mag-ipon para makapagpatayo ng sarili niyang building na ngayon ay pinapaupahan niya.
Sa kasalukuyan, bukod sa pagiging “endorser” ng isang restaurant chain, mina-manage din ng aktor ang isang real estate business at isang advertising agency na naghahandle ng billboards (yong mga malalaking ads na nakikita natin sa Guadalupe Bridge at sa Mantrade) na mina-manage ng aktor.
Sa edad niya nn trienta, may idadag pa si Enchong sa marami niyang mga negosyo.
Ang latest ay isang music school na malapit na niya ipakilala sa publiko.
Sa kanyang live interview recently with PEP, ipinahayag niya na: “It goes hand in hand. Now that I’m not doing a TV series, mas marami akong oras para bigyan ng pansin ang mga negosyo. Pero it’s adjustable. Ang lahat naman ng negosyo ko, hindi naman ako yung nagta-trabaho, except for the school. I’m really focused on that. You are’re part of the decision making and you’re a signatory also. It goes hand in hand. Kapag dumating naman ang teleserye, I’ll take a backseat from this one,” pagkukuwento niya during his on-cam interview.
Sa katunayan, medyo matagal-tagal na rin naman noong huling napanood si Enchong sa pelikula at kadalasan sa telebisyon lang siya lumalabas.
Based on his social media account, palagi siya on the road. Nasa beach or nasa ibang bansa posing sa harap ng mga historical monuments na feeling ko ay may nalalapit siyang projects na niluluto.
Sa ngayon ang alam ko, he is part of a film project for intented for the Metro Manila Film Festival 2019.
But for this year’s Pista ng Pelikulang Pilipino, masipag ang aktor sa pagpo-promote ng pelikula niya with Ms. Anita Linda na ‘Circa’ sa direksyon ng pamosong si Direk Adolf Alix Jr. kung saan kasama niya ang mga batikang mga actors tulad nina Jacklyn Jose, Gina Alajar at Allan Paule.
Enchong was last seen in The Blood Sister teleserye na medyo may katagalan na rin.
Tipong choosy si Enchong sa mga offers sa kanya. “May mga nagpe-present rin ng movie na I’m excited to do. Kasi pag pelikula, there’s a certain fulfillment kapag pelikula ang ginagawa mo. Kapag pelikula, food for the soul, food for the artist’s soul,“ kuwento niya.
Basta sa ngayon, in the waiting si Enchong para sa kanyang pagbabalik sa trabaho sa telebisyon.”Pag teleserye naman, umuulan ng pera! Joke lang! Totoo naman!”
Reyted K
By RK Villacorta