NAKU! TOTOONG balak na rin nina Sen. Chiz Escudero at Heart Evangelista na magpakasal?
Kuwento nga ni Ricky Lo, kinausap daw ni Sen. Chiz si Pastor Apollo Quiboloy kung puwede silang ikasal ni Heart nu’ng nakaraang Sabado. Pero hindi naman pala puwede dahil hindi pa nga annulled ang church wedding nila ng unang asawa niyang si Cristine Flores.
Dagdag pang kuwentong nakarating, hindi pa raw okay si Heart sa mga magulang niya at hindi pa sila nagkikita.
Pero malungkot daw ang aktres at umiiyak pa rin daw ito lagi, dahil nami-miss na nito ang Daddy niya.
‘Yun daw ang inaalala niya, ang kanyang ama na may sakit. Kaya sana nga maging okay na sila, pati ang Mommy niya.
Feeling ko, ang Mommy nito ang hindi niya talaga kasundo, kaya nga sinabi rin naman ni Mrs. Ongpauco na sana raw para na lang sa Daddy niya, hindi na niya ito ginawa.
Pero marami ang nakaintindi kay Heart at gusto nitong ipaglaban ang nararamdaman niya. Gusto raw niyang matuto dito, kaya hayaan na natin siya.
Itinatanggi naman ng mga kaibigan ni Heart ang isyung nagli-live in sila ni Sen. Chiz.
Siguro nga, kasi busy naman si Sen. Chiz sa pangangampanya kaya hindi naman daw sila magkasama.
Sinusubukan ng Startalk na makausap uli si Heart para kumustahin ito.
Napa-pack-up na nga raw ang taping nila sa Forever, pero kailangan na niyang ituloy dahil malapit na rin naman itong matapos.
FINALLY, MAY tinanggap na ring indie film si Lorna Tolentino!
Diyos ko, ‘day! Alam n’yo naman ‘pag indie film, ‘di ba? Hindi naman ako kikita diyan dahil mababa talaga ang talent fee.
Ang mga kilalang artista na gumagawa niyan, hindi para kumita kundi para makagawa lang ng magandang pelikula na hindi umaayon sa mainstream. ‘Yung hindi commercial.
Sabi kasi ni Lorna nu’n, kung gagawa raw siya ng indie film, gusto niya ang anak niyang si Ralph Fernandez ang magdidirek. Pero, pinadalhan siya ni Direk Joel Lamangan ng script na gawa ni Ricky Lee na kuwento ni Mrs. Editah Burgos.
Sobrang na-impress si Lorna sa script kaya gusto niyang gawin ito.
Naintindihan ko naman ang alaga ko, kaya pinayagan ko na siya kahit mababa lang talaga ang budget.
Alam kong magkikita sila ngayong araw ni Mrs. Burgos para pag-usapan ang gagawing pelikula.
Gusto rin kasi ni Lorna na makilala nang mabuti si Mrs. Burgos para mapag-aralan ang karakter nito.
Sobrang kinakarir niya ang project na ito, kaya magpapagupit pa siya ng buhok dahil nakita niyang maiksi ang buhok ni Mrs. Burgos.
Patatandain pa siya rito, at okay lang sa kanya.
Sobrang excited nga siya sa project na ito, kaya aba-ngan n’yo na lang itong first indie film ni Lorna.
Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis