AKALAIN MO ‘yun, labing isang araw na lang, magpa-Pasko na. Parang kailan lang, kasisimula pa lang natin ng Day 1 of Day 365 ng taong ito, ngayon ilang tulog na lang, Pasko na. Paniguradong kabilaan na ang mga Christmas party invites sa ating lahat. Siyempre, hindi mawawala ang party kasama ang mga kaklase, kasama ang barkada, kasama ang mga katrabaho at siyempre ang pamilya.
Sa buong buhay mo na pagdalo ng Christmas Party taun- taon, minsan mae-excite ka na lang sa mga aginaldo na matatanggap mo. Pero sa mga activities? Parang wala na rin namang bago. Lalo na sa games! Kaya naman ang artikulo na ito ay para sa mga bagets na gusto ng bago sa Christmas party.
Sobrang old school na ng Stop Dance, Paper Dance, Bring Me. Out na ang mga iyan. Anu-ano na nga ba ang in ngayon?
- Santa Limbo
Simple lang ang mechanics ng game na ito, kinakailangan lang kumuha ng contestants at maghanda ng lubid. Ang mga contestants ay magdadamit ng ala-Santa Claus, siyempre hindi dapat mawala ang kanyang trademark na malaking tiyan. Kailangam mong mag-limborack sa lubid nang hindi tatama ang alinmang parte ng iyong katawan lalo na ang iyong malaking tiyan ala Santa Claus. Pababa nang pababa ang lubid. At kung sinuman ang maka-achieve tumawid sa mababang lubid, siyang hihiranging Santa Limbo!
- Best Christmas Dubsmash video
Para naman ma-excite ang mga a-attend sa Christmas Party, dapat ilang linggo pa lang, may palaro na kayo sa kanila. Gawin ang Best Christmas Dubsmash Video Contest. Maghanap ka lang ng in na in na Christmas song, igrupo ang lahat ng attendees. At pagawain sila kahit hindi lalagpas sa isang minuto na dubsmash video. Iyong i-require na dapat complete attendance ang lahat ng team members na kada nawawalang miyembro ay may katumbas na bawas sa score sheet sa judging day. Kung sinuman ang may pinakamagandang Dubsmash video na hihirangin ng naatasang judges, siya ang panalo!
- Christmas Party Pageant
Kayo ay humanap ng representative, isang lalaki at isang babae bawat team para sa Christmas party pageant. Ito ay hindi kasing seryoso ng mga nakasanayang beauty contest dahil ito ay tagisan ng confidence at wit! Kinakailangan lang nilang magbihis nang naaayon sa theme. Sa Question and Answer portion, gumawa lang ng mga katuwa-tuwang tanong na kanilang sasagutin. Kinakailangan ding malakas ang inyong cheer sa inyong mga pambato para sumaya nang husto sa venue.
Madadali lang gawin ang mga games na iyan! Maaari n’yo ‘yang i-suggest sa programme committee nang kakaibang laro naman ang inyong mae-experience! Pero tandaan, nakasalalay ang kasiyahan sa party hindi dahil sa games kundi dahil sa inyong game na game na presensya sa Christmas party!
Usapang Bagets
By Ralph Tulfo