KAYA MARAHIL hindi na nagka-interest sina Cristy Fermin, Direk Joey Reyes at Congresswoman Lucy Torres na ipagpatuloy pa ang kanilang Saturday night show ay dahil binastos sila ng TV5 management.
Kung nagtataka kayo kung bakit nag-replay nitong Sabado ang show ay dahil there will be no longer a show called Showbiz Police, ayon sa impormasyon na ibinahagi sa amin ng isang mapagkatitiwalaang production insider ng kaisa-isahang showbiz-oriented show ng istasyon ni MVP dahil sinibak na ito sa ere.
Napag-alam namin na nagko-cost-cutting ang istasyon dahil sa bilyun-bilyong lugi nito dahil na rin sa mga walang kuwentang produksyon nila ng forgettable shows na hindi nagdala ng kita from advertisers. At ngayong naniningil na sa pagwawaldas nila na walang kawawaan at sa kanilang kapabayaan, ang Showbiz Police ang unang biktima ng management cost-cutting.
Dahil sa pagtitipid, ang gusto ng network, ang one-hour show tuwing Sabado ay gagawin na lang 30 minutes, at ang mga hosts kasama si Raymond Gutierrez ay mag-a-alternate na lang at isa sa kanilang apat ang magho-host once a month para mairaos lang ang palabas. Pero mas bibigyang-priority at mas magandang exposure si Raymond at gagawing regular weekly fixture sa show sa pagbabago, habang ang tatlo na original hosts (Cristy, Direk Joet at Lucy), sila ang pang-aternate co-host ni Raymond.
Kuwento ng source, “Pambabastos ito sa tatlo na kahit saan mo man tingnan ay minahal ang kanilang show at makikita mo naman ang effort nila. Hindi fair ito sa tatlo. Gagawin silang pamasak-butas at sasabit na lang kay Raymond. Hindi kaya dahil sa pagpasok ni Raymond sa tambalan ng tatlo, minalas ang show? May dala siyang karma. Abangan mo,” kuwento sa amin ng source namin.
We’ve heard na sa pag-upo ni Ms. Wilma Galvante as VP for Entertainment, balita namin, may mga pakiaalaman pa siyang mga show (at baka titigbakin din) na,kasisimula pa lang tulad ng nightly sitcom ni Megastar Sharon Cuneta at game show na ni Aga Muhlach, para maipasok ang kanyang mga manok galing sa istasyon na pinanggalingan niya.
Ang isa sa pinakabastos na ginawa raw ni Galvante ay tinanggal niya ang mga manunulat, segment producers, researchers at totally ay pinalitan ang mga staff ng show para ipasok ang sarili niyang grupo na bitbit niya sa kanyang pagre-reyna sa istasyon ni MVP.
Last Saturday, nang napanood namin na replay ang Showbiz Police, tinext namin si Cristy to ask why replay sila, pero got no reply from our friend “Tengol”. Kahit ang co-host niya na si Richard Pinlac sa kanilang radio show ay hindi rin nagre-reply sa text namin. Pero ang kaibigang Arniel Serato, isa sa mga segment producer ng show na kasamang nasibak at kasama rin naming columnist sa Pinoy Parazzi, nag-reply lang sa amin ng “No Comment!”. Sa Facebook shoutout nito, as in bahala na raw tayong mag-isip kung bakit nasibak ang show.
Kung saan hahantong ang tigbakang ito, abangan natin this week and I’m sure, may bulkan na namang sasabog sa istasyon sa bandang Novaliches.
ALIW TO the max si Maxie (The Musicale) @ PETA sa opening night last Saturday, November 9. Laugh trip si Jayvhot Dalang (Grand Champion of Wil Time Bigtime’s Biretero/Biritera and four-time defending champion of Talentadong Pinoy) who played the role of Maxie, ang “dalaginding” na umibig sa unang pagkakataon sa kanyang Kuya Victor (ang pulis) played by Jojo Riguerra.
Bongga ang beaucon production number ng cast. Catch the musicale until December 8, 2013. Thanks for the ticket Mr. Noel Ferrer (last Saturday’s show producer).
Spotted at the premiere performance ng Maxie the musicale sina John Lapus with Direk Erik Salud, Shalala, Pia Magalona, at ang original na gumanap na Maxie sa pelikula na si Nathan Lopez at ang National Artist na Bienvenido Lumbera.
Reyted K
By RK VillaCorta