SA KANYANG Facebook Live at Instagram ay iginiit ni Aiko Melendez na hindi siya kabit ni Jay Khonghun, ang kasalukuyang boyfriend, na katulad ng pinapalabas ng kalaban sa pulitika ng kanyang BF.
Si Jay ay kumakandidatong bise-gobernador sa Zambales at matinding kalaban ng babaeng incumbent vice governor.
“Hindi po ako kabit,” pagdidiin ng aktres.
“Una sa lahat, pumasok po ako sa buhay ni Jay, wala na po sila nung ex-wife niya. In fact, gusto niyo po i-check niyo po sa Olongapo, naka-file na po yung annulment nila.
“Hindi ko po kasalanan kung ang judicial system natin sa Pilipinas ay mabagal. That’s why I am for divorce. So how dare you call me kabit?” patuloy niya.
Ayon pa sa aktres, magkaiba ang kabit at girlfriend.
Ani Aiko, “Ang kabit itinatago, so naintindihan niyo po kung ano ang diperensiya ng dalawang bagay?
“Pati anak ko dinamay niyo po. Kung ikaw po ang ganyanin ko, matutuwa ka po?”
Nagbigay din ng mensahe si Aiko sa umaakusa sa kanya.
“If you have nothing good to say about other people, keep quiet. That’s what you call decency. Sometimes you really can’t buy class.
“I hope and pray that you can just buy it in a sari-sari store but you cannot. Sadly, sad to say, your kind of politics is so dirty. Napakadumi.
“Have a decent mouth. Have some manners. If you can’t buy manners, at least read a book about manners.”
La Boka
by Leo Bukas