A NEW BEGINNING: Jade Lopez is pregnant!

Jade Lopez

MASAYA KAMI sa good news na in-announce ng Kapuso actress na si Jade Lopez recently sa kanyang vlog channel.

After almost a year of being happily married to her longtime partner Rocky Siccion ay masayang ibinahagi ng aktres na siya ay nagdadalang tao na. Yes, Jade Lopez is three months pregnant!

Sa kanyang vlog ay ibinanggit din nito ang plano niya na buhayin ang kanyang YouTube channel na noon ay puro travel-related ang mga content (mahilig sila maglakwatsa ng kanyang hubby). Slowly ay magshishift na siguro ito into a much more family-oriented channel na madalas natin makita sa mga celebrity moms na kinakarir na rin ang platform na ito.

Dito ay ni-reveal din ni Jade na she had a ‘rainbow baby’, meaning na nakunan ito in the past. With the new blessing that arrived, super happy kami para sa mag-asawa. Matagal na rin kasi kinakantyawan ng mga kapwa Starstruck alumnas niya like Cristine Reyes, Yasmien Kurdi and Nadine Samonte na dapat ay ma-promote na ito from ‘ninang’ to ‘mommy’. Finally it is happening!

Kaya naman pala sa mga last few weeks ng intense drama series na ‘Bihag’ ay biglang maluluwang na ang outfits ni Jade bilang si Liza na best friend ni Max Collins. Kaya pala hindi na ito nakikipagsabunutan o dyombagan sa confrontation scenes!

Anyway, go and subscribe to Jade Lopez’ YouTube account para ma-pressure na rin siya na mag-update regularly!

Showbiz Blogster
by Mica Rodriguez
Pinoy Fans Club

Previous articleCristine Reyes, effective kontrabida sa ‘Nang Ngumiti ang Langit’
Next articleBaron Geisler pinakasalan na ang non-showbiz girlfriend

No posts to display