Zoren Legaspi at Carmina Villaroel pagdadaanan ang annulment sa Stories From The Heart: The End of Us

SA ISANG pambihirang pagkakataon ay magsasama na sa wakas sa isang TV project ang real-life happily married couple na sina Zoren Legaspi at Carmina Villaroel sa pang-apat na handog ng afternoon drama anthology series ng GMA na Stories From The Heart: The End of Us.

Zoren Legaspi and Carmina Villaroel

“Actually, emotional ako, kasi as an actor, you wait for this kind of story, this kind of director, this kind of writers, this kind of creatives, this kind of producers, this kind of EP and bihira ‘yun mangyari sa isang show na hinihintay mong lahat ng magagaling ay magsama-sama sa isang production,” Zoren Legaspi proudly says.

“First time kong makita si Zoren na very emotional pagdating sa show.. actually, pati rin ako,” dagdag naman ni Carmina.

Sa trailer pa lang ay ang lakas ng dating ng mag-asawa. Sakalam ang KDrama vibes dahil sa natural chemistry at natural beauty ng mga lead stars. In the series, they will play the roles of Jeffrey and Magie, a once happy couple na magugulo nang mainlab ang lalaki kay Eunice (Ariella Arida). Sa serye ay ipapakita kung ano ang pinagdadaanan ng mga taong sangkot sa madugo at nakakastress na proseso ng annulment sa Pilipinas. Habang inaasikaso nila ang kanilang legal na paghihiwalay ay manunumbalik naman ang tamis ng kanilang pagmamahalan.

In real life ay happy married couple sina Zoren at Carmina. Through this series ay makikita natin ang kanilang chemistry as onscreen partners at siguradong proud sa kanila sina Mavy at Cassy, na parehong gumagawa na rin ng sariling marka sa showbiz.

Kasama rin sa Stories From The Heart: The End of Us sina Ariella Arida, Karel Marquez, Johnny Revilla and Andrew Gan. Subaybayan araw-araw pagkatapos ng ‘Las Hermanas’.

Previous articleVLOG WATCH: Andrea Brillantes hindi napigilan ang kilig kay Alden Richards!
Next articleMigo Adecer engaged na sa non-showbiz partner