NILINAW NA ng model na si David Semerad na wala talaga silang romantikong ugnayan ni Ruffa Gutierrez. Ito ay kaugnay sa matagal nang bulung-bulungan na diumano ay may mga sigthings siya at si Ruffa na magkasama sa mga party at sweet daw. Pero tuwing natatanong si Ruffa dito ay palagi niyang sinasabing walang katotohanan ito at sila ay magkaibigan lamang.
Last March 13, 10:56 am, nag-post ng apat na mensahe sa kanyang Twitter Account (@davidjsemerad) si David ng paglilinaw tungkol sa isyu.
Una niyang pahayag, “Hi everyone, we would like to clear some things up. It’s been a year since @iloveruffag , @Anthonysemerad n I met at Ben chans party.”
Dagdag pa niya, “Since then we’ve become the best of friends. She’s like a sister to us n we are part of one big happy crew.”
Kasunod niyang itinanggi ang ‘romantic relationship’ daw na ibinabato sa kanila. Aniya, “Please stop putting malice into our friendship. There’s no romantic angle n I respect Ruffie n her kids a lot.”
Pagtatapos pa niya, “I hope this puts an end to all of this. Thanks guys! God bless.”
Kaagad din namang nagpasalamat si Ruffa kay David sa paglilinaw nito sa issue. Balik mensahe ni Ruffa kay David through her twitter account (@iloveruffag), “Thank you @davidjsemerad for clearing my name and for defending me. That’s why you’re part of our crew cuz ur a gentleman & not a user. ”
Mensahe naman ni Ruffa sa mga taong patuloy na gumagawa ng issue sa kanila ni David, “And to those have wild fantasies and bizarre imaginations, so sorry to disappoint you. The Semerads are just my good friends.”
NAGSALITA NA si Shaina Magdayao tungkol sa lalong umiingay na usapang nililigawan daw siya diumano ng kapwa Kapamilya na si Piolo Pascual.
Mas lalo pang naging obvious ang kanilang pagiging close ni Piolo nang mag-post ito ng picture sa kanyang Instagram na kasama ang hunk actor.
Kuwento ni Shaina sa ABS-CBNnews.com last March 12, ayaw daw niyang bigyan muna ng malisya kung anuman ang meron sila ni PJ (Palayaw ni Piolo.) Aniya, “Ayaw ko talagang bigyan ng malisya ‘yung friendship namin. Pero I just want to say thank you na na-appreciate niya ako bilang tao.”
Sa huling panayam kay Piolo, inamin nitong lumalabas labas nga sila ni Shaina pero magkaibigan lang daw talaga sila.
Ayon pa sa ulat, isa rin daw sa mga interesadong manligaw kay Shaina ay ang isa pa ring Kapamil-ya actor at kapwa ASAP co-host na si Sam Milby.
Masaya daw ang dalaga na may mga lalaki na naa-appreciate siya at nagsasabing nag-e-enjoy sila kapag kasama siya.
Kuwento pa ng ex-girlfriend ni John Lloyd Cruz, “Alam niyo nahihiya ako na sa akin manggaling at nahihiya ako na sa babae manggagaling pero nakaka-overwhelm din siya kasi hindi ko ini-expect na maa-appreciate nila ako at gustong kilalanin pa. They are good men, masarap silang kausap at mabuti silang kaibigan sila sa akin. Hindi naman kami ngayon lang magkakilala, dati pa naman magkakaibigan na.”
Pero sa ngayon, gusto daw munang i-enjoy ni Shaina ang kanyang pagiging single.
Dagdag pa niya, “I’ve always had a boyfriend and partner so ngayon lang ako natututo na mag-relax siguro this time around makikinig muna ako sa pamilya at kaibigan ko, trabaho muna ako.”
NAKAUSAP NAMIN si Derek Ramsay last Tuesday at nilinaw namin sa kanya ang tungkol sa balitang diumano’y pinatanggal daw niya si Baron Geisler sa Kidlat. Ito ay kaugnay sa balitang nagkainitan daw ang dalawa sa set ng serye a few weeks back.
Sabi ni Derek, “Hindi totoo ‘yun. Hinding hindi ko gagawin ‘yung mga ganyan sa mga kasamahan ko.”
Inamin naman niyang nagkaroon talaga sila ng kumprontasyon ni Baron pero okay na raw lahat. At kung may balita mang lumabas na pagpapatanggal, hindi raw ito nanggagaling sa kanya. Bahala na raw ang TV5 management sa karampatang aksyon para kay Baron.
Sure na ‘to
By Arniel Serato