Rabiya Mateo makikipagbakbakan na sa Agimat ng Aguila Season 2

FROM BEAUTY QUEEN ay magiging isang ganap na action star na si Rabiya Mateo simula ngayong gabi dahil siya ang bagong leading lady ni Sen. Bong Revilla Jr. sa second season ng Agimat ng Agila na mag-uumpisa ngayong gabi sa GMA.

Kahit na baguhan sa larangan ng pag-arte, umani na ito kaagad ng papuri mula sa kanyang leading man. Hindi raw ito nagpatalbog sa mga action stunts na kung maaari ay gusto niya na siya mismo ang gagawa. As early as now ay pinapakita na ng dalaga ang kanyang professionalism sa trabaho. Dumaan sa training si Rabiya bago sumalang sa taping ng programa.

Rabiya Mateo

Si Rabiya ang gaganap bilang Interpol Agent Asha Raj kaya naman nag-combat training ito. Kumuha din ito ng boxing classes bilang preparasyon sa kanyang first major TV assignment.

“I’m very happy, I enrolled myself in boxing classes. Aside from that, kahit private session with our action director Sir Erwin Tagle, we do that para ma-condition talaga ‘yung mind ko, ‘yung body ko na.

“Sobrang layo niya sa pagiging isang beauty queen, but I’m loving the challenge and the transition. I’m forever grateful sa opportunity,” sambit pa niya.

Hindi ikinaila ng former beauty queen na nasaktan ito sa ilang mga fight scenes na kanyang nagawa na para sa programa.

“I know masakit talaga siya. I know hindi siya biro. Nagkakasakitan talaga, nagkakapasaan din. I guess it’s part of it. I have to be professional about it and magandang training ground siya.

“Sana in the future, marami pa akong mga action scenes, action series na magawa kasi nakikita ko ang sarili ko rito. If there’s pain, there’s power,” kuwento ng bagong leading lady ni Bong.

Papuri naman ni Sen. Bong, “She’s a very good actress and may chemistry rin kami. Nakikita ko na malayo rin ang mararating niya. Malay mo maging action queen ’
yan.

“Ang galing sa stunts, matapang, at magaling umarte. ’Di pa nakapag-workshop nang ganoon katagal ’yan pero ang galing na niya umarte. She’s very smart,”

Pasok din sa cast sina Sanya Lopez, Elizabeth Oropesa, Benjie Paras, Gardo Verzosa, Betong Sumaya, Kim de Leon, Lia Salvador, Sandro Muhlach at Shermaine Santiago.

Mapapanood na ang Agimat ng Agila Season 2 ngayong gabi, January 29 at 7:15PM sa GMA.

Previous articleKelley Day itinanggi na siya ay buntis at third party sa diumano’y hiwalayang Tom Rodriguez-Carla Abellana
Next articleYeng Constantino to Ryan Bang: ‘Hindi kita binasted!’