NAPILING HURADO: Marian Rivera lilipad ng Israel para sa Miss Universe 2021 pageant

HINDI LANG si Beatrice Luigi Gomez ang Pinay na mapapanood natin sa inaabangang 2021 Miss Universe Pageant na gaganapin sa Israel. Isa pang Pinay ang masisilayan ng buong mundo sa patimpalak at ‘yan ay walang iba kundi ang Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera.

Marian Rivera

Last week ay lumabas ang blind item na meron diumanong premier actress na isa na rin maybahay na inimbitahan para maging hurado sa international beauty pageant. All the clues pinpoint to the one and only Marian Rivera at marami ang natuwa sa balitang ito.

Kahit na hindi diretsong kinukumpirma ni Marian ang kanyang partisipasyon, tila ‘yun na rin ang kanyang ginawa  nang magpost ito ng isang larawan with the caption ‘Honored #Grateful’ na may mga emoji ng korona.

Sa mga matang nakabantay, mapapansin na nagkomento ang kanyang mister na si Dingdong Dantes ng ‘miss u’, na puwedeng shortcut ng ‘i miss you’ dahail nasa lock-in taping ito for an upcoming GMA show, o pwede rin na clue para sa pagiging judge nito sa Miss Universe pageant.

Para sa mga fans ni Marian Rivera, big deal ito dahil sa totoo lang, nakakabilib ang pagpili ni Marian sa kanyang pamilya over her thriving showbiz career. Totoo kaya na soon ay magbabalik-teleserye na ito? Ilang taon na rin ang nagdaan nang magtapos ang kanyang last primetime series na ‘Super Ma’am’ at mahigit isang dekada na rin ang lumipas nang magbida sila ni Dingdong sa isang romance-comedy film. Like, what are you waiting for?!

Previous articleAndrea Brillantes nag-social media detox
Next articleMaja Salvador and Rhea Tan health and wellness advocates