Andrea Torres aariba bilang Pinay tango dancer sa Argentinian movie na ‘Pasional’

TULOY-TULOY ang pagbongga ng karera ng Kapuso sexy actress na si Andrea Torres.

Totoo nga ‘yata ang sinasabi nila na mas aariba ang showbiz career kung ipapagpaliban muna ang lovelife. ‘Yan ang kaso ni Andrea Torres na mahigit isang taon pagkatapos ng controversial break-up nila ni Derek Ramsay ay mas lalong dumarami ang proyektong napupunta sa kanya.

Andrea Torres on the set of ‘Pasional’

Ongoing pa rin ang hit primetime show na ‘Legal Wives’, kung saan siya ang gumaganap bilang Diane, ang true love and Christian wife ni Ismael (Dennis Trillo). Tinatangkilik din ng LGBT community ang Girl Love o GL series nila ni Kylie Padilla na ‘BetCin’ na may fresh episodes sa online platform na WeTv. Ngayon ay nasa Argentina ang aktres kung saan busy ito sa kanyang shooting para sa Argentinian film na ‘Pasional’.

Ayon kay Andrea, siya ay gaganap na isang Pinay tango dancer na maiinvolve sa isang kakaibang love story with an Argentinian national. Two weeks ang ilalagi ng aktres doon at naisama rin niya ang kanyang ina sa biyahe.

Ayon sa Malevo Films (producers ng pelikula), ang ‘Pasional’ ay isinulat at dinirek ni Francisco D’Intino. Ito ay co-produced na ng GMA Network, Ferdinand Dimadura at associate producer Agustin Vargas Clerico. Ang Aktor na si Marcelo Melingo ang makakapares ni Andrea sa pelikula.

In early 2022 ay lilipad din papunta rito sa bansa ang mga cast and crew ng ‘Pasional’ para i-shoot ang ilang mahahalagang eksena.

In fairness, may aurang Latina si Andrea Torres kaya no wonder na among the Pinay celebrities today ay sa dalaga sila nabighani.

Inaabangan na namin ang pag-indak ni Andrea to international stardom!

Previous articleBeauty Queens Maxine Medina at Casie Banks may bonggang showdown sa ‘Regal Studio Presents: Karinderya Queens’
Next articleVLOG WATCH: 10 KimXi Questions answered by Kim Chiu and Xian Lim!