ALLY GONZALES: New Face on the Music Scene

HINDI NA mabilang ang mga pinasikat na mga awitin ng multi-awarded composer at OPM icon na Vehnee Saturno.  Napakarami na ring singers ang  napasikat niya dahil sa mga patok na mga kantang bagay na bagay sa timbre ng boses ng umaawit.

Maging last year (2020), sa kainitan ng pandemya sa bansa, in his own way ng pagka-musical genius niya ay nakalikha pa ito ng bagong kanta na swak na swak ang mensahe para sa mga medical frontliners sa Pilipinas.

ALLY GONZALES

Just recently, nakipag-collaborate muli ang VSMC Corporation ni Sir Vehnee sa yet newcomer o new face on the local music scene — si Ally Gonzales, na just like the previous proteges niya ay nakitaan niya ng potensiyal at talent sa larangan ng pag-awit.

Si Ally Gonzales ay dalagang anak ng former sexy actor na si Allyson VII (who did films in 1990s until 2003, tulad ng “Paraiso Ni Efren”, directed by Maryo J. Delos Reyes). It was just last May 2021 when Ally’s father passed away.

Pero ang trahedyang ito sa kanilang pamilya ay hindi naging hadlang para subukan ni Ally ang kanyang suwerte sa daigdig ng entertainment. Bagama’t noong mas bata pa si Ally ay hesitant pa siyang maging singer o artista.

“When my dad was still alive, gusto niyang tapusin ko muna raw ang pag-aaral ko. He told me na magulo raw ang showbiz. Pero opportunities came along, kaya me and I my mom are now giving it a try,” kuwento ni Ally.

Ally Gonzales

Pero ‘yun na nga, nang ma-create ni Sir Vehnee ang first solo recording song ni Ally entitled “Ating Kabanata” na ire-release sa January 2022, ay wala na silang inaksayang panahon, but to grabbed the opportunity.

“’Yung ganito pong chance ay minsan lang at puwedeng hindi na dumating. Me and my mom (Ms. Josh Gonzales) felt na bagay sa aking ‘yung song, so, we did it,” chika ni Ally, who recently recorded the song.

On her part, panay ang pag-rehearse ni Ally, pag-take ng voice lessons, etc. para maghanda sa launch ng kanyang debut recording next year.

Ang Kapuso cute newbie na si Kelvin Miranda ang leading man ni Ally sa natapos niyang i-shoot na music video for her song.

Kaya ganoon na lamang kalaki ang kanilang pasasalamat sa suporta ng GMA Artist Center para “ipahiram” si Kelvin kay Ally sa said music video, pati na sa co-manager ni Kelvin sa GMAAC na si Tyrone Escalante.

“Sobrang cute nilang tingnan,” say ng ng isang source na nasaksihan ang shoot na swak raw ang rapport and chemistry nina Ally at Kelvin.

Kelvin Miranda and Ally Gonzales

Ang anak ng veteran dance choreographer na si Geleen Eugenio na si Miggy Tanchanco ang nagdirek ng music video ng “Ating Kabanata” na pinuri si Ally sa galing daw nitong umiyak sa isang eksenang heartbroken siya.

In the coming weeks until sa New Year, abangan ang music video ni Ally sa TV networks at digital music platforms, as we always welcome new faces sa movies man, television, or music industry.

You may follow Ally Gonzales on Instagram: allyson_star_gonzales, on Tiktok – @gonzalesally, and Allyson Nicole Gonzales on Facebook.

Good luck and welcome to showbiz, Ally Gonzales!

Ninang rin ni Ally ang former actress na si Nikka Valencia at isa ito sa kanyang personal consultants sa bagong tinatahak na musical career.

Previous articleVLOG WATCH: Solenn Heussaff and Baby Thylane creates art out of recycled bottles!
Next articleThings You Didn’t Know About Joaquin Domagoso